Juday/Ryan totohanan na

Marami na ang naniniwalang nabingwit na ni Ryan Agoncillo ang matamis na ‘‘oo’’ ni Judy Ann Santos sa mga ikinikilos ngayon off cam at pati na sa kanilang mga eksena sa Krystala. Halatang-halata ang pagbu-bloom ng dalawa at pati sa kanilang tinginan ay hindi maikaila na ‘‘there’s love in the air.’’ May nag-text sa amin na halata sa mga tingin ni Ryan sa aktres na ‘‘in love’’ ang baguhang aktor.

Kamakailan ay nainterbyu ang dalawa tungkol sa real source ng napabalitang relasyon pero natapos ang interview na walang ginawang pag-amin sa dalawa. Marami tuloy ang nabitin sa naturang interbyu.

Noong nakaraang Semana Santa ay magkasama sila sa Batangas na kinumpirma ni Alfie Lorenzo at ganoon din si Ryan. Sinabi nito pa sa kanyang morning show na nag-aral siya ng diving na posibleng si Juday ang nagturo sa kanya dahil isang lisensyadong diver ang aktres.

Si Juday mismo ang nagsabing lumalabas sila at nagba-bar hoping kung maagang natatapos ang kanilang taping at marami ang nakakita sa kanila sa Shangrila-Plaza na sweet sila sa bawat isa. May nag-text sa amin na i-surf ang kanilang website dahil marami kaming makikitang mga personal shot ng dalawa kuha sa Camiguin Island o sa Guimaras kung saan palaging naka-angkla daw itong si Ryan sa aktres. May mga text message din itong baguhang aktor mula sa kanyang textline chika at may ipinakikita siyang shots ni Juday na kinunan niya sa Palawan. (Ulat Ni Alex Datu)

Show comments