Ngayon, isa na namang reality make-over show ang handog ng ABS-CBN tuwing Linggo, 11:00NU simula ngayong buwan ng Abril. Pinamagatang Perfect Moment, tampok dito sina Jodi Sta. Maria, Angel Jacob at Rosanne Prieto.
Sa tatlo, pinakakilala si Jodi dahil sa recent wedding niya sa Las Vegas sa anak ni Senator Ping Lacson. Si Angel ay isang modelo at TV host ngunit si Rosanne ay isang commercial model. Ngayon lang ito sasabak sa TV.
Sa Perfect Moment, gagawan ng transformation ng Ponds ang maraming babae mula sa kanilang damit, ayos ng buhok at make-up sa panahong kailangan nilang maging perfect. Maging itoy para sa kanyang debut, prom o job interview. Sisiguruhin din ng Ponds na ang mga transformation na itoy magmumula sa mga eksperto.
Kung nais nyong sumali ipadala ang inyong pangalan, tirahan, contact no., edad, lagda, hiling para sa Perfect Moment. Maglakip ng wallet size o 3R photo ng babaeng edad 13-35 yrs. old na gustong sumali. Maglakip din ng proof of purchase ng 3 sachet ng Ponds Skin Whitening Vit. Cream 10 ml Fluid 12 ml; 1 carton ng 25ml 50ml; 1 carton ng vit. Fluid 40-70ml at ipadala sa ABS CBN Mother Ignacia St. QC o kaya ay sa Unilever Phils. 1351 UN Ave., Paco, Manila.
Sa pakikipagtulungan ng Next Generation Production, iniimbita ang lahat ng aktor sa pelikula, TV at tanghalan, na may edad 18-45 na dumalo sa isang casting call sa Abril 16 at 23 sa ABC studio sa Novaliches simula 9:00NU. Hinihiling na ang bawat gustong lumahok ay maghanda ng 1-2 minutong monologue of their choice as well as headshot and resume. Ang callback ay sa Abril 24.
Labindalawang aktor ang magiging bahagi ng isang 14-week show na kung saan ay sasanayin silang muli sa pag-arte sa drama, comedy, action at romance. Tatlong top entertainment professionals ang magsisilbing hurado. Bawat linggo, may isang matatanggal hanggang sa matira na lamang ang dalawa. Dadalhin ang dalawang ito sa LA, Calif. Para sa kanilang final test, isang audition sa American casting directors, producers at directors at isang role sa pelikulang Wrinkles sa Universal Studios.
Ang grand winner ay ibabalik sa California at New York dahil kasali na siya sa pelikulang gagawin na As We See It Pictures. Bibigyan siya ng Screen Actors Guild Card (SAC) at ipakilala sa whos & who sa Hollywood na pwedeng makapagbigay ng break sa kanya. May walk-on role pa siya sa isang American soap.
Ang Next Generation Production ay pinangungunahan ni Romeo Joven, produkto ng NYU o New York University lang naman. Malawak na ang karanasan at kilala na sa Hollywood at New York si Joven bilang producer, writer at director. Ka-tandem niya sa project na ito si Eric Quizon na siya ring magiging host ng Hollywood Dream. Direktor naman si Luigi Santiago na tulad nina Joven at Quizon ay galing NYU din. Balitang na-impress ang boss ng ABC na si Tonyboy Cojuangco sa konsepto ng program at sa track record ng mga proponent kaya pumayag siyang i-pa-prodyus ang show.
Kung tutuusin, mahirap pagsamahin uli ang dalawang higanteng mang-aawit pagkatapos ng kanilang unang concert sa 16,000-seater venue noong nakaraang January. Pero nagawan ng paraan ng Maxi Media International na kinukulit ng marami na muli silang pagsamahin sa isang concert. "It was only a matter of finding a common schedule for the two artists who are obviously busy with their individual careers," sabi ni Jeff Cal ng Maxi Media.
Kaya sa mga hindi nakapanood sa kanilang concert nong nakaraang Enero tulad ko, ito na ang pagkakataon natin.
Mangyayari ang nasabing repeat sa April 22, 2005 (Friday, 8:30 p.m.) sa Araneta at sa April 23 (Saturday, 7:30 p.m.) sa Freedom Ring Amphitheater sa Clark Field Pampanga.
Puwede na kayong bumili ng ticket na nagkakahalaga ng P250, P600, P1,200, P1,800 (plus 5% service charge) sa lahat ng SM Ticketnet outlets at sa lahat ng SM Department store (911-555) kasama ang SM Pampanga at lahat ng Jollibee branches sa Pampanga. For inquiries, please call Maxi-Media office (551-7777).