Hindi nito natapos ang dapat sana ay movie pa nito sa Angora Films, Sa Pagkagat ng Dilim. Marami pa sana siyang projects sa manager nito pero nawalang lahat iyon dahil sa biglaang paghihiwalay nila at pagsama kay Carlo Maceda. Kung sabagay, kahit pa maging aktibo pa ang career ni Aleck Bovick tila mahihirapan ding umangat pa ito lalo na kung ang mga movie na gagawin nito ay mga sexy films.
Wala na yatang puwang sa movie industry ang mga sexy films ngayon. Kung meron man, hindi na rin ito kumikita dahil sa bawal na ang ganitong genre sa lahat ng SM Cinemas. Tila nagkakaroon na lang ng career ang mga seksing tulad ni Aleck Bovick sa telebisyon at sa mga beer houses. Boni A. Casiano