Ayon kay Anna Goma, production manager ng Panday, "Paano mangyayari yon e, yung staff ng show from day one na umalis kami to shoot, are the same people na kasama namin hanggang ngayon? Hindi totoo."
Smooth-sailing ang shoot ng Panday sa ibat ibang location nito. Natigil lang ito nang magpunta si Jericho Rosales sa States for a series of shows. Anytime ngayong buwan ay aalis na naman ang grupo para ituloy ang taping.
When asked kung kailan ang airing ng Panday, "Soon! Pinagaganda namin nang husto. We want to assure the loyal fans of Panday na once na mapanood nila, they will have a great time. Proud kami sa mga natapos na naming eksena," sabi pa ni Ms. Anna.
Sa mga eksenang mapapanood simula sa Lunes, mas matitindi pang rebelasyon ang magaganap. Kaabang-abang kung sino ang pakakasalan ni Tala (Judy Ann Santos). Sila nga kaya ni Miguel (Ryan Agoncillo) ang magkakatuluyan?
Usap-usapan ngayon ang pagmamabutihan nina Juday at Ryan off screen. Pero hanggat hindi nila inaamin ang tunay na status ng kanilang relasyon, mananatili itong pantasya ng fans.
Speaking of Krystala, mayroong Krystala Kapamilya Day bukas Linggo sa Metropolis-Alabang. Kumpleto ang buong cast ng superserye.
The fans will have the chance na makapagpa-picture sa cast in full costume. Inaanyayahan din ang mga bata na suotin ang kanilang Krystala costume.
"May interaction between the hosts and the audience and the stars involved," kwento ni Louie Andrada, production manager ng The Buzz. "Kung paano, yun ang kaabang-abang ngayong Sunday.
Huwag daw mag-worry ang mga fans ng segment na "Wanna Buzz" nina Anne Curtis, AJ Dee at Chokoleit dahil mananatili ito.
Ipinagmalaki ni Louie na sa kabila ng kaliwat kanang talk shows ngayon, The Buzz has remained number one. "More than being number one, yung pagkatiwalaan kami ng publiko, ang mas matimbang. Kahit yung mga artista, na kapag sa amin nagsasalita kapag may issue, malaking bagay yon."