Kaya lang sinabi ng kanyang OB Gyne, kailangan niyang magbawas ng timbang dahil nakabalot sa taba ang kanyang uterus kaya mahihirapan pa siyang magbuntis.
Sinunod naman ni Marissa ang payo ng kanyang doctor. Nagpipilit siyang magbawas ng timbang sa pamamagitan ng pagi-gym. Kasama niyang nagwo-work out ang matalik niyang kaibigang si Jessa Zaragoza. "Pero grabe naman yan si Jessa parang hindi tao pag nagbuhat. Talagang grabe," kuwento ni Marissa.
Matagal na rin palang magkaibigan sina Marissa at Jessa. At pare-pareho na rin silang Christian. Pero una raw naging magkaibigan sina Dingdong Avanzado na asawa ni Jessa at si Ian na asawa ni Marissa.
Kaya nga madalas silang magkakasama. At ngayon sa concert nga na pinamagatang The Soul Sisters Act sila magkakasama-sama. Pero kasama na nila sa concert na yun si Ara Mina na ididirek naman ni Dingdong.
Gaganapin ang nasabing concert sa June 2 (Thurs) sa Metro Comedy Bar at May 20 (Friday) sa Cafe Lupe sa Guadalupe, Makati.
Siguradong bukod sa magpapatalbugan sila sa pagkanta, magpapatalbugan din sila sa pagpapa-sexy.
Kahit naman medyo mataba si Marissa, sexy pa rin ang hitsura niya di ba?
O siya magkita-kita na lang tayo sa concert nila. Excited na rin akong mapanood silang kumakanta.
April 1992 nang unang maisip ng dating ABS-CBN President and Chief Operating Officer Freddie Garcia at ni Johnny Manahan ang mag-buo ng stable of new stars na magiging exclusive talents ng ABS-CBN. October noong taon ding yon inilunsad ang show na Ang TV at dito nakilala ang mga batang Claudine Barretto, Jolina Magdangal, Camille Prats, Victor Neri, Paolo Contis at marami pang iba. November 1995 naman ni-launch ang Star Circle Batch 1 na pinangunahan ng namayapang aktor na si Rico Yan. Ngayon, thirteen years later, marami ng napatunayan ang ABS-CBN Talent Management and Development Center na may bago ng pangalan na ABS-CBN Star Magic! Major celebration ang magaganap simula ngayong Mayo dahil hindi kukulangin sa thirteen treats ang ihahandog ng Star Magic. Eto na ang number one treat isang dosena pa ang ating aantabayanan!