Minsan nga ay nagkikita sila ng kanyang sikat na ex-hubby sa istasyon na pinagtatrabahuhan nito. Naisip nito na bakit nga ba hindi siya manghingi ng pera sa dating asawa dahil naghiwalay naman silang mabuting magkaibigan dahil sa kanilang anak na nasa showbiz din.
Ngayon, kapag nakikita niya sa taping ang dating asawa ay hinaharang niya ito para manghingi ng pera. Kaso minsan dinidedma siya nito dahil naniniwalang may pera naman siya dahil nakapag-asawa naman ng Amerikanong businessman.
Ayon kay Howie, sila mismo ay libreng makapamili ng docu shows at sila rin ang nagre-research nito. Bookworm siya kaya nanggagaling ang ginagawa nitong istorya sa mga librong nababasa o mismong sa kwento ng mga tao sa ibat ibang lugar.
Sinabi rin ni Howie na maigsi ang attention span ng mga viewers kaya sa isang oras ng kanyang docu film ay gusto nitong ibat iba ang paksang tatalakayin at gawin itong kawili-wiling panoorin.
"Pero naayos naman ito makaraan ang ilang araw at humingi ito ng dispensa. One time nga ay masama ang pakiramdam nito at sinabing hindi siya magpapainterbyu sa mga news reporter. May nagbiro sa kanya na nariyan si Sandra Aguinaldo kaya biglang sinabing magpapainterbyu siya. Mabait naman si FPJ at bumawi siya sa akin. Noon ngang burol ni FPJ ay narun ako sa Sto. Domingo. Na-touched ako nang hawakan ni Susan Roces ang aking mukha," anang journalist.
Nagtapos ng journalism sa UST si Sandra noong 1993 at nagsimula bilang head writer ni Ces Drilon sa Usapang Business ng ABS-CBN. Nagsulat din ito noon sa Manila Times bago pumalaot sa telebisyon.
Maganda ang ikiniwento nitong pagtatagpo nila ng kanyang asawang pulis (operations officer) kung saan ikinasal sila noong kasagsagan ng Iraq War noong 2003. Gwapo at macho ang kanyang napangasawa kaya love at first sight ang kanilang naramdaman. Inabot ng seven years ang kanilang on-and-off relationship. Wala pa silang anak. Hindi rin nahihiyang sabihin ni Sandra na ampon lang siya kaya nakagawa ito ng dokumentaryo tungkol sa mga ampon.
Ano naman ang delikadong dokumentaryo na nagawa nito?
"Nang pasukin ko ang Abu Sayaff camp noong 2001. Takot akong mataypan nila at baka hindi na makabalik sa amin. May nars kasi silang kinidnap na nataypan nila kaya inasawa ito ng pinuno ng Abu Sayaff. Sinabi kong may-asawa na ako at hindi ako nag-aayos o naliligo para huwag akong mataypan."