^

PSN Showbiz

Aktres, nanghihingi ng pera sa dating asawa

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Inamin ng premyadong aktres na naiinggit siya sa asawa ngayon ng kanyang ex-husband dahil maraming pera ang kanyang mister sa rami ng TV show nito.

Minsan nga ay nagkikita sila ng kanyang sikat na ex-hubby sa istasyon na pinagtatrabahuhan nito. Naisip nito na bakit nga ba hindi siya manghingi ng pera sa dating asawa dahil naghiwalay naman silang mabuting magkaibigan dahil sa kanilang anak na nasa showbiz din.

Ngayon, kapag nakikita niya sa taping ang dating asawa ay hinaharang niya ito para manghingi ng pera. Kaso minsan dinidedma siya nito dahil naniniwalang may pera naman siya dahil nakapag-asawa naman ng Amerikanong businessman.
Anim Na Taon Na
Isa sa pinakapaborito kong programa sa GMA 7 ay ang I Witness kahit madaling araw na ito natatapos minsan. Makabuluhan kasi ang docu film showings at puro award-winning ang mga journalists gaya nina Howie Severino, Jay Taruc at Kara David. Nadagdagan pa ito ng mga senior news producers na sina Raffy Tima at Sandra Aguinaldo.

Ayon kay Howie, sila mismo ay libreng makapamili ng docu shows at sila rin ang nagre-research nito. Bookworm siya kaya nanggagaling ang ginagawa nitong istorya sa mga librong nababasa o mismong sa kwento ng mga tao sa iba’t ibang lugar.

Sinabi rin ni Howie na maigsi ang attention span ng mga viewers kaya sa isang oras ng kanyang docu film ay gusto nitong iba’t iba ang paksang tatalakayin at gawin itong kawili-wiling panoorin.
Natakot Nang Pasukin Ang Abu Sayyaf Camp
Sa pakikipagkwentuhan kay Sandra Aguinaldo na bagong kasama sa I Witness ay sinabi nitong enjoy siya sa docu show. Hindi niya malilimutan ang insidenteng pagkapahiya noong interbyuhin ang yumaong Fernando Poe Jr. sa isang campaign rally sa Iloilo.

"Pero naayos naman ito makaraan ang ilang araw at humingi ito ng dispensa. One time nga ay masama ang pakiramdam nito at sinabing hindi siya magpapainterbyu sa mga news reporter. May nagbiro sa kanya na nariyan si Sandra Aguinaldo kaya biglang sinabing magpapainterbyu siya. Mabait naman si FPJ at bumawi siya sa akin. Noon ngang burol ni FPJ ay narun ako sa Sto. Domingo. Na-touched ako nang hawakan ni Susan Roces ang aking mukha," anang journalist.

Nagtapos ng journalism sa UST si Sandra noong 1993 at nagsimula bilang head writer ni Ces Drilon sa Usapang Business ng ABS-CBN. Nagsulat din ito noon sa Manila Times bago pumalaot sa telebisyon.

Maganda ang ikiniwento nitong pagtatagpo nila ng kanyang asawang pulis (operations officer) kung saan ikinasal sila noong kasagsagan ng Iraq War noong 2003. Gwapo at macho ang kanyang napangasawa kaya love at first sight ang kanilang naramdaman. Inabot ng seven years ang kanilang on-and-off relationship. Wala pa silang anak. Hindi rin nahihiyang sabihin ni Sandra na ampon lang siya kaya nakagawa ito ng dokumentaryo tungkol sa mga ampon.

Ano naman ang delikadong dokumentaryo na nagawa nito?

"Nang pasukin ko ang Abu Sayaff camp noong 2001. Takot akong mataypan nila at baka hindi na makabalik sa amin. May nars kasi silang kinidnap na nataypan nila kaya inasawa ito ng pinuno ng Abu Sayaff. Sinabi kong may-asawa na ako at hindi ako nag-aayos o naliligo para huwag akong mataypan."
Kara, Mahilig Sa Mga Bata
Mahilig sa mga bata si Kara David kaya karamihan ng tinatalakay nito sa kanyang dokumentaryo ay mga kawawang bata. Laging narun ang emosyon sa nirereport niya. Kung anuman ang nilalaman ng kanyang damdamin ay narun lagi sa kanyang dokumentaryo at kadalasan ay nagi-emphasize siya sa mga subject nito kaya minsan di napipigilan ang pagtulo ng luha.

ABU SAYAFF

I WITNESS

KANYANG

KARA DAVID

NITO

SANDRA AGUINALDO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with