Saw his opening act at the Captains Bar at The Oriental Mandarin Hotel at talaga namang kahanga-hanga ang kanyang husay bilang singer at pagiging musician. It was my first time to see him play the piano. Ang kaalaman niya rito ay hindi basta-basta at kung tugtugin niya ang acoustic na gitara niya, para siyang tumutugtog ng electric guitar.
Sa buong buwan ng Abril (1, 8, 15, 22 & 29) magiging bahagi si Nyoy at ang grupo niyang Mannos (Cocoy Aranas, bassist; Glenn Dalit, percussionist Jerome Nuñez, violinist at Meinard Albis, drummer) sa serye ng Kuh Ledesma Presents. Tatakbo ito ng isang taon bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-25th anniversary ni Kuh sa showbiz. Hanggang June of 2006, maglalabas si Kuh ng mga shows sa Captains Bar na magtatampok sa mga talino, bukod sa kanya kina Monique Wilson, Noel Cabangon, Ogie Alcasid at marami pang iba.
Ang galing ng tribute na ginawa ni Nyoy sa The Beatles. Dalawamput-limang awit ng grupong Beatles ang kinanta niya at binibigyan ng makabagong areglo. Tatatlo lamang ang kinanta niya sa orihinal na bersyon ng Beatles. The rest were done in his inimitable style. Gusto ko lahat ng versions niya ng mga Beatles song, except dun sa mga parts na isinisigaw niya. Maganda ang kabuuan ng palabas. I felt nostalgic dahil talagang panahon ko ang Beatles. Ang maganda kay Nyoy, hindi siya madamot sa Mannos. Sa "Yesterday", nagsolo sa violin si Jerome Nuñez, ang "I Love Her", ni-rap ni Meinard Albis, sa "Hey Jude" nagsolo rin si Cocoy Arenas. May special guest din si Nyoy, si Rebekah, who dueted with him in "In My Life", and went solo na "Something".
May mga areglo si Nyoy na reminiscent of Jose Feliciano tulad ng "Youve Got To Hide Your Love Away".
Kung nagsimula sa awiting "Here Comes the Sun", tinapos niya ang palabas sa pamamagitan ng "A Long And Winding Road". Pero naka-tatlong kanta pa siya, "Ticket to Ride", "Twist & Shout", and "Imagine". The audience was asking for more, pero pagod na si Nyoy Volante and the The Mannos.