Komedyante/TV host ayaw magbayad ng utang
April 5, 2005 | 12:00am
Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, panay ang hinagpis ngayon ng isang sikat na lady newscaster na dating nobyo ng sikat na komedyante TV host. Paano naman, inutang daw pala nito ang lifetime savings niya na nagkakahalaga rin ng milyones. Ngayon ay sinisingil na niya (lady newscaster) ang TV host ex-boyfriend pero dedma lang sa kanya.
Ang mga kaibigang newscaster din ng ex-gf ng komedyante ang nagbubuyo para singilin na niya ito dahil malaking halaga rin ang utang sa kanya. Balitang ipinambili ito ng sasakyan ng komedyante/TV host ang inutang.
Ewan kung saan hahantong ang isyung ito gayung hindi nagkukusa ang TV host-comedian na bayaran ang utang noong sila pa ng lady newscaster. Ang komedyanteng TV host na ito ay sangkot ngayon sa maraming kontrobersya.
Marami-rami na rin ang mga negatibong balita ang lumalabas tungkol sa kapatid ni Ara Mina na si Cristine Reyes kung saan sinasabing mang-aagaw ito ng lalaki. Natural, nasasaktan si Ara dahil sinasabing magkatulad lang silang magkapatid na mang-aagaw ng lalaki.
Nakatira ngayon kay Ara ang nakababatang kapatid para mapangalagaan at mabantayan pero hindi naman nangangahulugan na hihigpitan niya ito. Payo nga nito sa kapatid na mas makabubuti kung sa Kapuso network na lang siya magtrabaho.
Kasama sa Darna si Cristine bilang si Molecula na nag-iiba-iba ng anyo. Sinabi nito na nahihirapan din siya sa taping dahil may ilang stunts siyang ginawa rito.
Ngayong summer ay napuna kong napakaraming nagku-conduct ng acting workshop para dun sa gustong mag-artista at sumikat balang araw. Nakapag-observed ako kung paano ito ginagawa sa paanyaya ni Emy Paraynon at Adel Matibag ng Sapphire N Topaz Talent Management and True PeopleProduction noong Sabado sa Wildlife Visitors Center.
Maraming nag-enrol sa kanila mula bata at mga adult na gustong matutong umarte. Maganda naman ang isinagawang workshop sa araw na yun at magaling ang kanilang facilitator na si Alvin Abias ng Theater and Arts sa Don Bosco. Inspirado ang mga ito sa pag-arte na binigyan ng sitwasyon para mailarawan ang ibat ibang emosyon. Nagsimula sila sa basic of acting kabilang na ang personality development /self-awareness.
May patutunguhan ang mga workshoppers na may ibubuga sa acting o singing dahil balak magprodyus ng mga shows si Emy at taga-produksyon naman ng pelikula si Adel.
Sa mga gusto pang magparehistro sa workshop ay tawagan lang si Emy sa tel. 9160238 o sa 09198399413 at kay Adel sa 09182712522 para sa karagdagang detalye.
Naging panauhing ispesyal si Cory Quirino sa launching ng top rating show na pinamagatang A Little Bit of Country na mapapanood na sa Channel 4 tuwing Sabado ganap na 8 ng umaga.
Tatlong taon na itong matagumpay na ipinalalabas sa Australia kung saan may weekly audience silang 400,000 na isang Aussie country music show.
Dito sa bansa ay magpoprodyus sila ng mga istorya para maibahagi ang local na pamamaraan sa pagsasaka na ipalalabas din sa Australia sabi nga "a very positive cultural exchange."
Naging punung-abala sa launching ang Spectrum Manila na committed para ma-develop ang makabagong pamamaraang teknolohiya sa larangan ng agrikultura sa pamamagitan ng scientific research.
Tinanong ko si Angel Locsin kung totoo nga ang balitang nagsuplada ito nang magtungo sa Palawan dahil hindi nabati ang mga fans. Wala pa kasi kaming narinig na nagreklamo sa kanyang kasupladahan dahil magiliw ito sa mga fans.
"Kasi nagkaroon ako ng problema sa aking mata dahil katatapos lang i-laser nito kaya baka hindi ko sila napansin. Saka sweet naman kami ni Oyo Boy Sotto kahit noong magnobyo pa kami ni Miko Sotto dahil malapit silang magpinsan. Nang mamatay ito ay lalo siyang naging malapit sa akin kaya sana huwag lagyan ng malisya ang aming pagiging malapit na magkaibigan. Hindi pa ako handang pumasok sa seryosong relasyon lalo na at lalong gumaganda ang aking career. Trabaho muna Tita," sey nito.
Ang mga kaibigang newscaster din ng ex-gf ng komedyante ang nagbubuyo para singilin na niya ito dahil malaking halaga rin ang utang sa kanya. Balitang ipinambili ito ng sasakyan ng komedyante/TV host ang inutang.
Ewan kung saan hahantong ang isyung ito gayung hindi nagkukusa ang TV host-comedian na bayaran ang utang noong sila pa ng lady newscaster. Ang komedyanteng TV host na ito ay sangkot ngayon sa maraming kontrobersya.
Nakatira ngayon kay Ara ang nakababatang kapatid para mapangalagaan at mabantayan pero hindi naman nangangahulugan na hihigpitan niya ito. Payo nga nito sa kapatid na mas makabubuti kung sa Kapuso network na lang siya magtrabaho.
Kasama sa Darna si Cristine bilang si Molecula na nag-iiba-iba ng anyo. Sinabi nito na nahihirapan din siya sa taping dahil may ilang stunts siyang ginawa rito.
Maraming nag-enrol sa kanila mula bata at mga adult na gustong matutong umarte. Maganda naman ang isinagawang workshop sa araw na yun at magaling ang kanilang facilitator na si Alvin Abias ng Theater and Arts sa Don Bosco. Inspirado ang mga ito sa pag-arte na binigyan ng sitwasyon para mailarawan ang ibat ibang emosyon. Nagsimula sila sa basic of acting kabilang na ang personality development /self-awareness.
May patutunguhan ang mga workshoppers na may ibubuga sa acting o singing dahil balak magprodyus ng mga shows si Emy at taga-produksyon naman ng pelikula si Adel.
Sa mga gusto pang magparehistro sa workshop ay tawagan lang si Emy sa tel. 9160238 o sa 09198399413 at kay Adel sa 09182712522 para sa karagdagang detalye.
Tatlong taon na itong matagumpay na ipinalalabas sa Australia kung saan may weekly audience silang 400,000 na isang Aussie country music show.
Dito sa bansa ay magpoprodyus sila ng mga istorya para maibahagi ang local na pamamaraan sa pagsasaka na ipalalabas din sa Australia sabi nga "a very positive cultural exchange."
Naging punung-abala sa launching ang Spectrum Manila na committed para ma-develop ang makabagong pamamaraang teknolohiya sa larangan ng agrikultura sa pamamagitan ng scientific research.
"Kasi nagkaroon ako ng problema sa aking mata dahil katatapos lang i-laser nito kaya baka hindi ko sila napansin. Saka sweet naman kami ni Oyo Boy Sotto kahit noong magnobyo pa kami ni Miko Sotto dahil malapit silang magpinsan. Nang mamatay ito ay lalo siyang naging malapit sa akin kaya sana huwag lagyan ng malisya ang aming pagiging malapit na magkaibigan. Hindi pa ako handang pumasok sa seryosong relasyon lalo na at lalong gumaganda ang aking career. Trabaho muna Tita," sey nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
17 hours ago
17 hours ago
Recommended