Ang ABS-CBN Workshop, headed by Ms. Beverly Vergel, may summer courses para sa mga kabataan. Maraming mga bagay tungkol sa showbiz ang matutuhan sa laging puno sa mga istudyanteng workshop.
Si Ms. Vergel mismo ang nagsabi na bukod sa acting, singing and dancing, kasali pa sa summer course ang personality development. Offered din nila ang music lessons na bukod sa voice, nagtuturo rin ang kanilang piling-piling mga instructors ng pagtugtog ng ibat ibang musical instruments tulad ng piano at guitar.
Meron pa silang mga scriptwriting at TV production workshops. Maging para sa mga corporations meron mga specialization courses ang ABS-CBN Workshop.
Sa mga tsikiting naman na mahilig sa ibang larangan ng sining, meron din silang mga painting lessons at pati na ang production at set design.
Sa mga interesadong magulang tawag agad sa ABS-CBN.
Dapat lang bilisan ninyo ang pagpa-enroll sa inyong mga anak. Sa ganitong mga workshops, first come, first serve. Kapag puno na sila, hindi na maaring tumanggap ng additional istudyante kahit doble pa ang ibayad ninyo.
Balita ko pa, hindi maaring pumasok sa workshop rooms ang mga stage mothers. Pwede na lang kayong maghintay sa labas ng mga silid-aralan o sa mga canteen ng networks.
Kung musical theater ang gusto ninyong pasukan sa Repertory o Trupet kaya magprisinta. Tulad din ng ibang nagbibigay ng workshop, dadaan muna sa interview at audition ang lahat ng tatanggaping mga workshoppers. Kapag wala talaganga talent ang mga anak ninyo at mga parents lang nila ang nagpipilit maging artista ang mga anak, tiyak na workshop ng pagbubukas ng telon sila babagsak.
Mabuti pa, pagtapusin nalamang ng mga regular na curriculum sa iskwela.
Dumarami iang mga ganitong tipo ng palabas sa TV, pero hindi pa rin masasapawan ang mga teledrama.
Tuwing may bagong palabas, nagtatanong tayo, saan na naman kay ito nakopya. Tulad ng Kamao na obvious naman na "inspired" by The Contender na napapanuod natin sa ANX Channel.
Ang Naks naman, galing sa Street Magic ni David Lance. Ang nakakabanas pa sa Naks, pati ang mga tricks ni David ginagaya.
Sa maraming pelikulang napanuod ko last holy week, paborito ko ang Pope John XXIII, Pope of Peace. Si Ed Asner ang mahusay na gumanap ng title role sa biopic.
Isang dialog na galing kay Pope John XXIII ang nagpaalala sa akin ng yumao kong ina.
"There is this particular tenderness the way a mother recites the names of her children."
Totoo ngang iba ang taginting na tila may himig musika pa, kapag ang nanay ko ang tumatawag sa akin noon. Ang mga tatay kasi, may tunog authority kapag nagbitaw ng salita, at kahit na ng pangalan ng anak nila.
Sana regaluhan ako kahit ng VCD ng Pope John XXIII ni Ed de Leon, ang pamosong collector ng magagandang pelikula.
Mapapanuod ninyo ng libre si Rainier sa Robinsons Dasmariñas sa isang Linggo, April 9, 4 p.m.