^

PSN Showbiz

Kinilig sa halikan nina Juday at Ryan

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Marami naman ang nagulat sa episode ng Krystala noong Martes ng gabi.  Ipinalabas ang eksena kung saan nag-profess na si Ryan Agoncillo (Miguel) ng pag-ibig kay Tala (Judy Ann Santos).  Ang higit na nagpa-excite ng episode ay ang kissing scene nina Juday at Ryan.

Hindi naman first time na masasabi na nakipag-kissing scene si Juday sa kanyang screen partner pero may kakaibang kilig ang dating ng nasabing eksena.  Agad akong nakatanggap ng reaksyon mula sa isang Juday fan.

"Grabe, kinilig ako! Ang tender ng kiss nila!" sabi nito.

Ang totoo niyan, may natatanggap akong tanong kung totoo raw bang may ‘something romantic’ na between Juday and Ryan.  

Apparently, Ryan called it quits with his non-showbiz girlfriend some few months ago. Nasa States na raw ito at doon na magi-stay for good.

Ang balita ko pa, si Juday daw ang special guest ni Ryan sa opening ng bagong bar na bubuksan nito.  

Tiyak na marami ang kikiligin sa development na ito kina Juday at Ryan. Let’s face it, nagkaroon talaga ng following ang dalawa nang magsimula ang Krystala.
* * *
Dumarami na ang kinu-consider para sa role ng Kampanerang Kuba, ang bagong serye na nakatakdang simulan ng ABS-CBN.  Kung noon ay limitado ang option kina Jodie Sta. Maria at Erich Gonzales, ngayon ay balitang ipinatawag na rin ng ABS-CBN sina Heart Evangelista at Anne Curtis.  Both Anne and Heart will have to undergo audition para sa role. Wala pa mang gaganap na bida, pero buo na ang script ng pilot telecast ng Kampanerang Kuba.  Puspusan ang brainstorming ni Wenn Deramas with his creative team composed of Jake Tordesillas, Keiko Aquino, Agnes Gagelonia-Uligan and Delfin Ilao.  Pati ang prosthetics at make up ay nakahanda na rin, balita sa akin ng executive producer nito na si Emilio Paul Siojo.

When asked kung sino ang choice niya para sa role, hindi pa talaga makasagot si Wenn.

"Hindi ko pa talaga alam," sabi nito.  Kaya nagpapatulong ako sa mga friends ko, mga katrabaho, press people na close sa akin na makapag-decide kung sino."

Nakaka-excite kung sino ang mapipili for the title role.  

Isa nga siguro ang Kampanerang Kuba sa biggest TV productions ng ABS-CBN.

vuukle comment

AGNES GAGELONIA-ULIGAN

ANNE CURTIS

BOTH ANNE AND HEART

DELFIN ILAO

EMILIO PAUL SIOJO

JUDAY

KAMPANERANG KUBA

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with