Kwento ng 2 balikbayan

Palibhasa bakasyon, ang daming nagbabalik-bayan. Dalawa sa mga ito ang nakausap ko recently at bagaman at iisa lamang ang gustong mag-artista at makilala sa bansang pinagmulan ng kanyang lahi, nakatutuwang malaman na marami sa ating mga kababayan na naninirahan na sa abroad ang bumabalik pa rin dito sa atin. Kung di man para bumisita ay para dito magsimula ng isang career.

Tulad ni Golda (Golda Bernadette dela Merced), isang napakahusay na singer na bagaman at kilalang-kilala na sa Filipino communities sa US ay naisipan pa ring mag-launch dito ng kanyang album. Sayang nga at hindi siya makakatigil dito ng matagal dahil may tinatapos siyang pag-aaral sa Amerika (MassCom at Broadcasting). Kung hindi ay payag na siyang manirahan dito.

Ang galing-galing kumanta ni Golda. Akala ko nga press release lamang ng abogadong tumatayong manager niya ang mga papuring narinig ko rito tungkol kay Golda. Hindi pala, talagang mahusay siya.

Ang maganda pa sa kanya, Pinay pa rin siya. Kahit matagal na siya sa US na kung saan ay may magandang trabaho ang kanyang ama na isang doktor at inang isang registered nurse.

Bago sila nag-migrate ng pamilya niya sa US ay nakapag-aral pa siya sa Center for Pop Music Philippines.

"Unraveled Golda" ang titulo ng kanyang album na iri-release dito sa bansa, May 3 komposisyon dito si Vehnee Saturno ("Nasaan", "Sandali Lang" at "Kahit Mahal Kita"). May ginawa itong kanta kasama si Jimmy Borja ("Halika’t Sumayaw") at Popsie Saturno ("This Feeling"). Ang iba pang komposisyon ni Borja sa album ay ang "A Song Remains Forever", "Whenever You Need Me", "Pag-ibig, Salamat", "For The Rest Of My Life" at "All The Best".

May duet sila ng kanyang ama sa album, ang "Ako’y Nagtataka" na kinompos din ng kanyang ama na si Dr. Bernie dela Merced.
* * *
Si Marissa Camilon naman, 19 years old at humahawak ng titulong Miss Philippines San Diego 2004 ang walang kahilig-hilig sa showbiz. Sayang dahil napaka-ganda ng kanyang PR at nag-aral siya ng piano for 11 years at tumutugtog ng clarinet for 8 yrs. Marunong din siyang mag-gitara. Mas interesado siyang tapusin ang kanyang Biology Course sa Univ. of California, Irvine bilang isang pre-med course. Pangarap niyang maging doktor balang araw.

Sayang at isang linggo lamang ang bakasyon dito ni Marissa. Hindi siya gaanong nakalibot. Napasyalan lamang niya ang mga kamag-anak niya sa magulang. Kailangang bumalik siya agad ng US dahil sa kanyang pag-aaral.
* * *
Matapos niyang maligid ang mga bansa sa labas ng Pilipinas, sa sariling bansa naman niya umiikot si Gary Valenciano.

Matagumpay ang first leg ng kanyang concert tour na Gary V Hits...The Philippine Tour na nagsimula sa Cebu nung Marso 10 at dumako sa Cagayan de Oro, Davao at natapos sa General Santos nung Marso 18.

Bukod sa malalaki niyang hits ("Hataw Na", "I Will Be Here", "Eto Na Naman", "Di Bale Na Lang", "Sana Maulit Muli"’ atbp) enjoy ang mga manonood niya na makita ang video nila ng kanyang inang si Grimilda Ortiz na nagdu-duet na siya mismo ang nagdirek. Kasabay nito ang pagpapakita ng mga larawan ni Gary at ng kanyang pamilya, mga magulang at kapatid, at asawa’t mga anak na kuha ng kanyang amang si Vic Valencian.

Nakasama ni Gary sa mga palabas, live, ang kanyang mga anak. Si Gabriel, tumugtog ng kajon, si Paolo, kumanta. Naging special guest ni ya si Roxie Barcelo. Dumalo sa concert ni Gary si Vice Gov. Bridget Chiongbian-Huang ng Sarangani Province, Gov. Gwendolyn Garcia ng Cebu at Gov. Oscar Moreno ng Cagayan de Oro.

Magaganap ang 2nd leg ng tour sa Visayas.

Show comments