Dahil malayo si Ruffa sa kanyang mga magulang, mga kapatid at mga kaibigan, dito niya lalong naramdaman na kailangan niya ng karamay. Sa puntong ito, hindi nagpabaya ang kanyang amang si Eddie Gutierrez na agad lumipad patungong Istanbul para damayan ang kanyang unica hija at para na rin magbigay ng moral support sa kanyang manugang na nasa pagamutan pa rin hanggang ngayon.
Narito ang text message na ipinadala sa amin ni Ruffa nung nakaraang Lunes (March 28): "Its been a hard week. Report came and hes (Yilmaz) had 3,650 visitors as of yesterday. Daming nagmamahal sa kanya. Hes recovering but his friend is still in coma. Hes the type kasi that would risk his life for his family, a friend or even a bystander. Please pray for his health. See you soon. On my way to pick up my dad at the airport.
"Yilmaz is getting better. I hope to go on holiday with him and our two kids when he gets well. Its been stressful here. Hopefully it will be in Manila."
Minsan ay naimbitahan kami ni Ricky Lo ni Bobby sa kanilang ipinatayong 8-storey building sa may Leon Guinto St. sa Malate, Manila at talagang na-impress kami sa ganda ng pagkakagawa at interior nito na personal mismong pinangangasiwaan ni Bobby.
Ang building ay magkakaroon ng isang coffee shop at entertainment function room na matatagpuan sa second floor habang ang ibang palapag ay nakalaan naman sa ibang negosyo ng mag-asawang Bobby at Chieko at kasama na rito ang care giving school na kanilang bubuksan.
Very enterprising si Bobby although ang kanyang misis ang negosyante pero siya naman ang nagpalago ng kanilang mga negosyo.
Matapos naming mabisita ni Ricky ang building nina Bobby at Chieko ay muli kaming nagawi sa nasabing lugar at malaki na ang improvement nito since then at nakatakda na itong buksan sa publiko sa unang linggo ng Mayo. Sa huli naming pag-uusap ni Bobby ay nakaka-P85-M na umano sila at hindi malayong umabot ito ng mahigit P100-M dahil hindi pa sila kumpleto ng mga kagamitan. Maganda ang facade ng building na si Bobby din mismo ang nag-design. Maging ang interior ng buong building ay siya rin mismo ang nangasiwa.
Nabisita na rin namin ang dalawang club sa Chiba ng mag-asawang Bobby at Chieko na si Bobby din mismo ang nag-interior. Halos lahat ng kanilang mga empleyado ay pawang mga Filipino na si Bobby din mismo ang personal na nagha-hire. Magaling makitungo si Bobby sa kanilang mga empleyado kaya nagtatagal ang mga ito sa kanila.
Kung isinantabi man ni Bobby ang kanyang singing career, mas matagumpay naman siya ngayon bilang isang negosyante.
Si Bobby ay isa sa mga matagumpay na Pinoy na naka-base sa Japan at kasama na rito sina Marlene dela Peña at Jobelle Salvador na ginawa na ring homebase ang bayan ng Cherry Blossoms.
Nagkaroon man ng paghihigpit sa pagdagsa sa Japan ng mga Pinoy entertainers, bubuksan naman ang Japan para sa mga Pinoy caregivers.
Malaki na rin ang population ng mga Pinay na napapangasawa ng mga Hapon. Base sa statistics na aming nakalap, mahigit 200,000 na ngayon ang mga Pinoy na nasa Japan at lumalaki pa ang bilang nito.
Kung parehong top-rating ang mga programa ni Paolo sa Kapuso Network, nagiging in-demand din siyang endorser ngayon. Kamakailan lamang ay ipinakilala siyang pinakabagong image-model ng Carter undergarments at kinuha din siyang bagong endorser ng McDonalds.
Ang ipinagtataka lamang ng marami ay kung bakit hanggang ngayon ay takot pa rin umanong mag-asawa ang most eligible bachelor na si Paolo.