Isang hunky playboy na gym instructor si Rafael sa pelikula. Para sa kanyang role, nag-gym si Rafael at sinanay ang sarili sa pagsusuot ng trunks at briefs kahit sa bahay para masanay siya nang naka-ganito sa harap ng kamera. "Una, di ako sanay, nanibago ako pero, after a few weeks, I eventually got used to it," sabi niya.
Nanood din si Rafael ng tape ng isang bikini pageant para malaman kung ano ang mga nagaganap sa backstage at kung paano makitungo ang mga gym instructors sa kanilang mga babaeng kliyente.
Kasama ni Rafael sa pelikula sina Nina Ricci Alagao, TV Idol finalist JE Sison, Cherry Pie Picache, Roxy Ramirez na siyang kapareha niya sa pelikula.
Second time ko nang naibo-blowout ng Dos. Last time dun sa Club 9501 na kung saan nagkaron ng palabas para sa mga nag-birthday. Last Wednesday, sa isang karaoke bar, dun mismo sa ABS CBN, sa KTV 10, kami dinala na kung saan ay nagsawa kami ng kakakain, kakainom, kakasayaw at kakakanta.
Kung nun ay nasabi kong pinakamagandang birthday ko ngayong 2005 dahil na-heal ako sa sakit kong vertigo ni Father Joey Faller, after the Wednesday treat, it became a happier occasion.
Akala ko ako lang ang mahilig mag-sing-along, hindi pala, ganun din pala ang mga nakasabay kong pinarangalan. I admit, hindi ko lahat kabisado ang names nila pero, sa mukha, alam kong magkakasama kami sa trabaho. Hindi ito naging dahilan para hindi ako mag-enjoy sa piling nila.
On hand to play host to all of us ay ang Corporate PR ladies ng ABS CBN, Leah Salterio, Maloli Manalastas, Peachy Quioguio at ang kanilang staff na napagod sa kahahanap ng mga kanta para sa aming lahat, at kaaasikaso sa amin.
Pinaka-highlight ng gabi ay ang pagdating ng pangulo ng ABS CBN na si Cito Alejandro na hindi lamang kami binati ng isa-isa kundi nakipag-kodakan pa sa amin at nakipag-duet sa akin (2 songs) at sa isang lady guest.
I was indisposed pero di yun nakapigil para di ako kumanta nang kumanta. Nahagip nila ang isa sa mga passions ko, singing. Unang salang ko pa lang, apat na kanta agad. Akala siguro ng mga ka-birthday ko, sosolohin ko na ang mike. Buti na lang I felt generous at dyahe. Kundi.....
Nagpapasalamat ako sa ABS CBN in general, sa Corporate PR in particular, lalo na kay Mr. Cito Alejandro for the very kind gesture.