^

PSN Showbiz

A bold Rafael

- Veronica R. Samio -
Marami ang maninibago kay Rafael Rosell sa bago nitong pelikula sa Seiko Films, ang Bikini Open na dinirek ni Jeffrey Jeturian. Lumaki ang katawan nito at gumwapo. Pero hindi ito ang kagugulatan nila sa kanya kundi ang pangyayaring napaka-daring nito sa kanyang bagong pelikula. Pero, bago kayo mag-conclude na nag-bold na ang paborito n’yong aktor, dahil Seiko Films ang producer ng kanyang latest movie, hindi po, dahil hindi bold ang Bikini Open kahit pa nasa cast nito sina Francine Prieto, Diana Zubiri at Alfred Vargas. At kahit pa prodyus pa ito ng Seiko Films dahil nagbago ng image ang kumpanyang nakilala sa mga bold films. Isang nakatutuwang pelikula ang Bikini Open na tumatalakay sa buhay ng mga sumasali sa mga pakontes na tulad ng Bikini Open na isinasagawa ng mga sing-along bars.

Isang hunky playboy na gym instructor si Rafael sa pelikula. Para sa kanyang role, nag-gym si Rafael at sinanay ang sarili sa pagsusuot ng trunks at briefs kahit sa bahay para masanay siya nang naka-ganito sa harap ng kamera. "Una, di ako sanay, nanibago ako pero, after a few weeks, I eventually got used to it," sabi niya.

Nanood din si Rafael ng tape ng isang bikini pageant para malaman kung ano ang mga nagaganap sa backstage at kung paano makitungo ang mga gym instructors sa kanilang mga babaeng kliyente.

Kasama ni Rafael sa pelikula sina Nina Ricci Alagao, TV Idol finalist JE Sison, Cherry Pie Picache, Roxy Ramirez na siyang kapareha niya sa pelikula.
* * *
Kaka-touch naman yung birthday treat na ibinigay sa aming mga entertainment writers na isinilang sa buwan ng Marso ng ABS CBN nung Miyerkules ng gabi.

Second time ko nang naibo-blowout ng Dos. Last time dun sa Club 9501 na kung saan nagkaro’n ng palabas para sa mga nag-birthday. Last Wednesday, sa isang karaoke bar, dun mismo sa ABS CBN, sa KTV 10, kami dinala na kung saan ay nagsawa kami ng kakakain, kakainom, kakasayaw at kakakanta.

Kung nun ay nasabi kong pinakamagandang birthday ko ngayong 2005 dahil na-heal ako sa sakit kong vertigo ni Father Joey Faller, after the Wednesday treat, it became a happier occasion.

Akala ko ako lang ang mahilig mag-sing-along, hindi pala, ganun din pala ang mga nakasabay kong pinarangalan. I admit, hindi ko lahat kabisado ang names nila pero, sa mukha, alam kong magkakasama kami sa trabaho. Hindi ito naging dahilan para hindi ako mag-enjoy sa piling nila.

On hand to play host to all of us ay ang Corporate PR ladies ng ABS CBN, Leah Salterio, Maloli Manalastas, Peachy Quioguio at ang kanilang staff na napagod sa kahahanap ng mga kanta para sa aming lahat, at kaaasikaso sa amin.

Pinaka-highlight ng gabi ay ang pagdating ng pangulo ng ABS CBN na si Cito Alejandro na hindi lamang kami binati ng isa-isa kundi nakipag-kodakan pa sa amin at nakipag-duet sa akin (2 songs) at sa isang lady guest.

I was indisposed pero di yun nakapigil para di ako kumanta nang kumanta. Nahagip nila ang isa sa mga passions ko, singing. Unang salang ko pa lang, apat na kanta agad. Akala siguro ng mga ka-birthday ko, sosolohin ko na ang mike. Buti na lang I felt generous at dyahe. Kundi.....

Nagpapasalamat ako sa ABS CBN in general, sa Corporate PR in particular, lalo na kay Mr. Cito Alejandro for the very kind gesture.

AKO

ALFRED VARGAS

BIKINI OPEN

CHERRY PIE PICACHE

CITO ALEJANDRO

RAFAEL

SEIKO FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with