Napaka-galante ni Kris

Kahanga-hanga talaga ang pagiging galante ni Kris Aquino pagdating sa pamilya at kaibigan. Nitong nagdaang bakasyon, Kris treated 17 friends and relatives sa isang bakasyon sa Badian Island sa Cebu.

Kris was joined by her son Joshua. Kasama rin ang kapatid na si Rizzy. At ang mga friends na sina Louie Andrada, Gia Suyao, Pam Pamintuan, JC Buendia at Bern Duenas.

Umalis si Kris at ang tropa noong Martes. Good Friday ay dumating na sila.

"Naku, wala siyang ginawa kundi matulog," kwento ng source ko. "At paggising naman, walang ginawa kundi manood ng DVD. Nagpa-set up siya ng home theatre sa room niya."

Pagdating galing Cebu, hindi muna pinauwi ni Kris ang mga kaibigan. Pina-stay pa niya ang mga ito sa kanyang bahay.

"Panay ang luto niya. Kung anu-ano. At ipinapakain niya sa amin," sabi pa ng kausap ko.

Nakiusap pala si Kris sa ABS-CBN management na pagkatapos ng Hiram next month, bigyan siya ng bakasyon. Gusto niyang dalhin si Josh sa America. Pero depende pa rin sa management ang fate ng request ni Kris. Hindi lang naman kasi Hiram ang show niya. She also has Pilipinas, Game KNB at The Buzz.
* * *
Wala na talagang makakapigil sa pagbabalik sa drama ni Maricel Soriano. Sa first week ng April ay gigiling na ang kamera para sa Vietnam Rose. Nakatakdang pumunta ni Maricel sa Vietnam para sa ilang importanteng eksena.

Makakasama ni Maricel sa cast ng Vietnam Rose sina John Estrada, Jay Manalo, Assunta de Rossi, Ricky Davao, Chanda Romero, Rosa Rosal at iba pa. Ang young cast naman ay sina Angelica Panganiban, AJ Dee, Joseph Bitangcol, Michelle Madrigal at Jason Abalos.

"It’s something that the fans of Maricel will looking forward to, something different. Very exciting," sabi ng business unit head na si Cathy Ochoa-Perez.

Ang Vietnam Rose din ang biggest break ni Angelica Panganiban sa primetime drama. If in her past soap opera ay support lang siya, this time maganda ang role niya. Imagine, nagsagawa pa ng audition ang ABS-CBN para leading man niya. Sina Jason at AJ ang pumasa sa nasabing audition.

Bukod kay Joel Lamangan, makakasama niyang magdirek ng serye si Don Cuaresma. Si Ricky Lee ang creative manager.
* * *
Kwento ng isang teacher ang tampok sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi. Walang ibang hangad si Vicky kundi ang magturo at mapabuti ang kalagayan ng kanyang pamilya. Gagawin ang lahat para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak.

Sa paghahangad niya na kumita ng sapat, iniwan niya ang pagtuturo at sinubukang mag-venture sa ibang pagkakakitaan. Subalit sadyang malupit ang tadhana para kay Vicky. Sunud-sunod na trahedya ang inabot niya.

Ang kwento ng buhay ni Vicky ay isang paglalarawan ng mga kalagayan ng ating mga public school teacher. Pero sa kabila ng lahat, magsisilbi pa ring inspirasyon ang kwento ni Vicky.

Tampok si Hilda Koronel bilang Vicky. Kasama rin sa cast sina Michael de Mesa, Perla Bautista, Monina Bagatsing, Hazel Ann Mendoza at Bryan Homecillo. Mula sa script ni Maribel Ilag, ang episode ay debut directorial job ni Andoy Ranay sa Maalaala Mo Kaya.

Show comments