"Sabi ko nga sa asawa ko, uy, congrats, nali-link ka pa, ang lakas naman ng sex appeal mo! Natawa lang ito at the following day, binilhan ako ng bagong Prada bag. Sabi ko nga kay Dolphy, sana araw-araw may bagong mali-link sa yo para araw-araw may bago rin akong bag. Ganun kami magbiruan ni Dolphy, wala na sa kanya ang mga ganun," kwento ni Zsazsa.
Nang pumutok ba ang balita ay nagselos siya kay Jenny?
"Honestly, hindi, natatawa nga ako at hindi ko rin kilala si Jenny, napapanood ko lang, pero yung pormal na introduction wala," esplika uli ni Divine Diva.
Tiyempo naman dahil dumating si Jenny kasama ang manager niyang si Dondon Monteverde at pinalapit siya ng TV crew at pinagtabi sila ni Zsazsa na halatang nahiya si Jenny dahil first time niyang nakaharap ang nagmamay-ari kay Mang Pidol.
"Nahihiya nga po ako, kasi hindi naman true yung isyu," Sambit ni Jenny kay Zsazsa na natatawa lang sa reaksyon niya.
At payo ni Zsazsa kay Jenny, "Masasabi ko lang, mag ingat ka sa mga Quizon, lahat sila."
Ganting sagot ni Jenny "Oo nga po, ibang klase silang makiharap sa babae, swabe ang mga Quizon, no wonder ang daming babaeng nahuhumaling sa kanila, yun pala ang sikreto nila."
At tinanong si Jenny kung sino sa mga Quizon ang napansin niyang medyo mabilis, "Si Epi po, kakaiba, talagang mapo-fall ka," mabilis na sagot uli ni Jenny.
"Hayan, huh, wala nang isyu and finally we meet," pahayag ni Zsazsa kay Jenny at sabay beso.
"Bale two weeks po kaming nag-break, e, hindi namin kaya pareho, kaya kami na uli. Nag-usap po kami na hindi na namin papansinin ang mga tsismis at mga nanggugulo sa text," say ni Mark.
May nanggugulo raw sa relasyon nina Mark at Jenny, ang girlfriend ng ex-boyfriend daw ni Jenny at kung anu-anong kasiraan daw ang pinagti-text kayat nagpalit sila ng number pero, parating nati-trace kayat hindi na nila mabilang kung ilang beses sila nagpapalit ng numero ng cellphone.
As of now, busy sila sa shooting ng Say That Youll Love Me at inamin din ni Mark na wala silang time na mag-celebrate ng anibersaryo nila na silang dalawa lang.
"Parati naman pong ganun, may trabaho kami kapag monthsary namin, sana sa one year namin, libre kami para makapag-celebrate ng maayos," pahayag pa ng binata. Reggee Bonoan