^

PSN Showbiz

Aya, pinalitan na ni mayor!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Akala namin ay magkakaroon ng katuparan ang pag-iisang dibdib nina Mayor Aguas ng Legaspi City at Aya Medel ngayong Mayo. Pero balitang naghiwalay na ang dalawa. Ngayon ay inili-link ang baguhang sexy star na si Darling Lavinia sa alkalde at balitang nililigawan ito ng mayor.

Hindi naman niya inagaw si Mayor Aguas kay Aya dahil katwiran nito ay hiwalay na sila nang pumasok siya sa eksena.
May Utang Na Loob Sa Seiko
Malaki ang pasasalamat ni Cherry Pie Picache kay Robbie Tan dahil ito ang prodyuser ng Bridal Shower na nagbigay sa kanya ng acting award. Kasalukuyan na nitong ginagawa ang Bikini Open kaya kahit may offer itong meaty role para sa Pusang Gala ay di na niya natanggap ang offer.

Ayaw ni Cherry na naglalagare ng pelikula dahil hindi kaya ng kanyang katawan.
Okay Na Ang Mata Ni Angel
Inamin ni Angel Locsin na hirap na hirap siya sa taping ng Darna. Pero ayaw niyang magreklamo kahit nagkakaroon ng mga pasa sa katawan. Ibang klaseng harness ang isinasabit sa kanya dahil kailangan niyang mag-tumbling habang nasa ere bilang si Darna.

Kaya niyang tiisin ang lahat ng hirap dahil mahal niya ang trabaho. Higit sa lahat, sa rami ng nag-audition para sa Darna role ay swerteng napunta sa kanya.

Sa kabilang banda, nakapagpahinga noong Semana Santa ang aktres kung saan nakapagpa-laser ito ng kanyang mata. Sinabi ng doctor nito na makakabalik sa normal ang kanyang vision basta’t makapagpahinga lang.
Jacque, Wala Pang Kotse
Kayod marino si Jacque Estevez ng Sex Bomb Girls dahil gusto nitong bumili ng kotse. Nanghihinayang nga ito dahil hindi natuloy ang proyekto nila ni Jacky Woo kung saan ang tf sana ang ipambibili ng sasakyan.
Katherine, Ayaw Nang Pag-Usapan Ang Ama Ng Anak
Pitong buwan na ang dinadala sa sinapupunan ni Katherine Luna na nagpapahinga ngayon sa Cavite at hinihintay na ang pagsisilang nito ng kanyang anak. Ayaw na nitong pag-usapan si Coco Martin ang ama ng magiging anak. Wala itong pagsisisi kung siya man ay nabuntis dahil sey nga nito ay magkakaroon na siya ng munting anghel na magiging inspirasyon niya sa buhay.
Guest Sa Germany
Habang naghihintay ng mga proyekto sa telebisyon at pelikula ay abala si Juan Rodrigo sa mga shows at concert. Katunayan, pupunta ito ng Germany sa paanyaya ng Kapisanan ng mga Pilipino dun bilang guest host at singer sa beauty pageant ng Miss Euro Philippines. Mayroon din silang fashion show na magtatampok sa mga beauty titlist. Ito’y idaraos sa May 5.

Magiging abala rin ito sa promosyon ng launching CD ni Marri Nallos kung saan may dueto sila sa album titled "You Are My Destiny".
Pelikulang Tagalog Sa Semana Santa
Ibang-iba na rin ang Semana Santa ngayon. Natatandaan ko noong mga late 80’s, kapag Biyernes Santo ay puro Pitong Wika ang mapapanood sa TV sa halos lahat ng simbahan. Ngayon ay iilan na lang ang gumagawa nito at sa halip ang mapapanood ay mga pelikulang Tagalog.
Blind Item: Natutuyot Ang Sikat Na Aktres
May nagsyete sa amin at sinabing nakita nila ang likod ng sikat na aktres na dry na dry nang magsuot ito ng bathing suit. Medyo nagbabakbak na rin ito. Dating makinis at maputi ang kanyang balat pero nanguluntoy daw. Tanong nga ng aking source ay kung tuloy pa rin kaya ito sa paggamit ng droga dahil minsan ay kailangang tawagan pa sa bahay dahil nale-late pa rin sa taping. Kung anu-ano ang idinadahilan nito gaya ng kanyang umaatakeng migraine.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BORDER

CENTER

DAHIL

DARNA

MAYOR AGUAS

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with