Parang damit kung magpalit ng bf!
March 29, 2005 | 12:00am
Walang relasyong tumatagal sa sikat na aktres na ito. Ayon sa aking source, may bagong lalaki sa buhay ng aktres kaya niya hiniwalayan ang nobyong singer, hindi totoo ang sinasabi nitong incompatible sila. Bumilang na ang aktres ng maraming nobyo.
Magaling itong umarte at di nawawalan ng TV show.
M
Hindi kami magtataka kung bakit malapit ang grasya kay Dennis Trillo. Marunong itong tumanaw ng utang na loob.
Naging panata na pala ni Mr. Tony Tuviera ng GMA 7 na magkaroon ng Lenten presentation at naging panata rin ni Dennis na makasama sa programang ito ng Siete.
Noong nakaraang taon ay tampok ang magaling na aktor sa Angel Villa at noong Sabado ay ito rin ang bida sa Lenten Special na pinamagatang Sa Kamay ng Diyos kung saan ang istorya ay tungkol sa trahedya sa Quezon Province.
Siya mismo ang humiling kay Mr. Tuviera na makasama sa drama anthology dahil malaki ang utang na loob niya rito bukod pa sa pagbibigay ng halaga at katuturan sa paggunita sa Semana Santa.
Hindi man ipinagdiriwang nina Gladys Reyes at Christopher Roxas ang Semana Santa dahil pareho silang myembro ng Iglesia ni Cristo ay ginawa naman nila itong paraan para muling magbuklod ang kani-kanilang pamilya.
Taun-taon ay nagkakaroon ng reunion ang pamilya Reyes sa isang resort sa Antipolo. Noong Lunes Santo naman ay kaarawan ni Chris kaya binigyan siya ng surprise party ni Gladys.
Umarkila pa ito ng isang pool sa Laguna (Southwoods) at naging masagana ang hapunan na inihanda ni Gladys at inimbitahan nito ang malalapit na kaibigan ng asawa gayundin ang manager na si Angge.
Masaya si Tuesday Vargas sa kanyang lovelife ngayon. Boyfriend nito ang isang myembro ng Session Road na si Coy Placido. Ang bandang ito ang umawit ng "Suntok sa Buwan" under Alpha Music.
Nagkakilala ang dalawa sa Boracay hanggang magkaroon ng relasyon. Hindi ipinagkaila ni Tuesday na may anak na siya. Hindi naman ito nakakasagabal sa kanilang pagmamahalan ng nobyo.
Akala namin ay tuluyan nang mananamlay ang career ni Chynna Ortaleza lalo na nang mabuwag ng loveteam nila ni Richard Gutierrez. Pero hindi naman siya pinanghinaan ng loob at hinarap ang career.
Bata pa ay pangarap na ni Chynna na maging VJ pero hindi ito pinalad sa katatapos na MTV VJ Hunt. Bukod sa magandang career ay stable pa rin ang relasyon nila ni Railey Valeroso.
Magaling itong umarte at di nawawalan ng TV show.
Naging panata na pala ni Mr. Tony Tuviera ng GMA 7 na magkaroon ng Lenten presentation at naging panata rin ni Dennis na makasama sa programang ito ng Siete.
Noong nakaraang taon ay tampok ang magaling na aktor sa Angel Villa at noong Sabado ay ito rin ang bida sa Lenten Special na pinamagatang Sa Kamay ng Diyos kung saan ang istorya ay tungkol sa trahedya sa Quezon Province.
Siya mismo ang humiling kay Mr. Tuviera na makasama sa drama anthology dahil malaki ang utang na loob niya rito bukod pa sa pagbibigay ng halaga at katuturan sa paggunita sa Semana Santa.
Taun-taon ay nagkakaroon ng reunion ang pamilya Reyes sa isang resort sa Antipolo. Noong Lunes Santo naman ay kaarawan ni Chris kaya binigyan siya ng surprise party ni Gladys.
Umarkila pa ito ng isang pool sa Laguna (Southwoods) at naging masagana ang hapunan na inihanda ni Gladys at inimbitahan nito ang malalapit na kaibigan ng asawa gayundin ang manager na si Angge.
Nagkakilala ang dalawa sa Boracay hanggang magkaroon ng relasyon. Hindi ipinagkaila ni Tuesday na may anak na siya. Hindi naman ito nakakasagabal sa kanilang pagmamahalan ng nobyo.
Bata pa ay pangarap na ni Chynna na maging VJ pero hindi ito pinalad sa katatapos na MTV VJ Hunt. Bukod sa magandang career ay stable pa rin ang relasyon nila ni Railey Valeroso.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended