Babalik na ng Amerika si Deborah

Sanay na kaming makita ang aura ni Deborah Sun o Gigi Salvador in her real name na mataray siya pero nitong before she guested sa S-Files, tila nakakapanibago ang aura nitong mapagkumbaba. May cancer sa atay pala siya at matagal nang naghahanap ng donor.

Sinuwerte naman siyang nakahanap ng donor matapos siyang manawagan at lumantad sa S-Files na agad namang ikina-aliwalas ng mukha nito.

Lingid sa kaalaman ng marami, last October pa pala nasa bansa si Deborah Sun at paalis na naman siya patungong US para magpagamot.

Tatlo na ang anak ni Deborah at meron na siyang apo. Kapatid siya ng yumaong dating-artista na si Jimi Melendez na ama ng QC Councilor na si Aiko Melendez.

Aminado si Deborah na nung kanyang kabataan ay naging abusado siya sa pag-inom ng alak at iligal na droga na siyang dahilan ng pagkakaroon nito ng kanser sa atay.

Ayaw na rin nitong pag-usapan pa ang anumang gusot na namagitan sa kanila ni Lorna Tolentino. But she definitely says na hindi niya ginagamit na excuse sa kanyang mga kaso ang mga pagkakasakit nito. Boni A. Casiano

Show comments