Hindi na pinapansin ngayon ang mga talagang video, kasi alam naman ng mga tao na karamihan noon ay bogus. Kung maglalakad ka, lalo na sa Quiapo, na madalas naming gawin dahil namimili kami roon ng kung anu-ano, makikita mo ang mga pornographic VCD na ginagamit ang pangalan mismo at pati na picture ng mga artista. Pero hindi na sila nakakabola. Wala na ring pumapansin sa kanila kasi nga alam na fake yon.
Mga parte lamang yon ng mga pelikulang bold na pinagputul-putol at pinagdugtung-dugtong nila, at pinalalabas na private video. Yong iba naman, hindi talaga ang mga artistang sinasabi sa cover kung di mga Kano na look-alike lang.
Ngayon, ang pinag-interesang makita ng mga tao ay ang mga MMS video ng mga artista, o kahit na ang mga MMS photo. Kaya nga raw naging mabili ngayon ang mga cellphones na MMS capable para makita nila ang mga yon.
Hindi lang sa cellphone kumakalat ang mga originally ay MMS video at photos. Makikita na rin ang mga yan sa internet ngayon. Kasi yang MMS ay naisasalin naman sa computer, kaya nga nai-upload din nila sa internet.
Nakita namin ang ilan sa mga yon, at kung tutuusin, ano nga ba ang bago?
Pinaka-matindi ang sinasabi nilang photo ni Ethel Booba, pero ni hindi mo nga alam kung siya nga ang babaing yon dahil hindi naman nakikita ang kanyang mukha. Tsismis lang din na siya nga yon. Pero may narinig kaming mas matindi, mayroon daw isang sikat na matinee idol na may kakaibang MMS photo, at nasa cell phone yon ng isang badidang na movie writer. Delikado yan.
Una, mga limampung pelikula lang ang ginawa noong nakaraang taon, at mabibilang mo lang sa daliri ang pelikulang interesado ang mga tao. Kung hindi kumita ang pelikula, hindi interesado ang mga tao riyan. Hindi nga nila pinanood eh, aasahan pa ba ninyong magkakaroon sila ng interes kung manalo man yon ng awards?
Ikalawa, sirang-sira ang kredibilidad ng ilang award giving bodies nitong nakaraang tatlong taon, at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakabawi. Mayroon pang mga award giving bodies na nilayasan mismo ng mga miyembro nila na hindi masikmura ang anomalya.
Palagay namin, dapat buuin muna nila ang kredibilidad nila sa taong ito. Huwag na muna silang puro lagay para maging interesado ang mga tao sa awards nila.