Nagpipilit umitim!
March 28, 2005 | 12:00am
Pagkatapos ng Darna, ang Encantadia, ang sunod na ilo-launch ng GMA 7. Magkasing-laki ang dalawang serye, kaya, mai-imagine ninyo kung gaano kalaki ang magagastos ng network sa Pinay Superhero at tele-fantasy.
Kung hindi babaguhin at kung makakayay, sa April 11 na ang simula ng Encantadia, a week after the April 4 pilot of Darna. Kabilang sa cast ng tele-fantasy ay sina Richard Gomez at Dawn Zulueta na unang napanood sa Forever in my Heart. Mag-asawa ang role nila sa Encantadia pero, hanggang dito muna ang kuwento namin para hindi kayo ma-preempt.
Niyaya pala kami ng isang kaibigan na bumisita sa set ng tele-fantasy, hindi lang kami nakasamat nag-a-advance kami ng deadline. Pero, nangako kaming dadalaw minsan sa taping na ginagawa sa may Mariwasa sa Pasig City. Curious kaming makita ang Soundstage na itinayo ng Ch. 7 na ang tele-fantasy ang unang gumamit. Gusto rin naming makita ang buong set na ginawa para hindi na magpalipat-lipat ng location ang cast.
Isa sa may important role sa Encantadia si Sunshine Dizon. Sa kanya ipinagkatiwala ang role ni Perina, ang Goddess of Fire. Bida-kontrabida ang role na itot pati si Lilybeth Resonable ay kasama sa mga kumumbinse sa young actress na tanggapin ang role.
Bilang si Perina, nag-aral ng martial arts at kung paano makipaglaban gamit ang dagger si Sunshine. Kinailangan din niyang magpa-hair extension dahil lahat sila nina Iza Calzado, Karylle at Diana Zubiri ay dapat mahaba ang buhok.
Natutuwa si Sunshine sa pagkakaroon ng bagong regular TV show sa Ch. 7 dahil mapapadali ang plano niyang pagbili ng condo unit sa Astoria Plaza sa may Ortigas Center. Dito na nakatira ang young actress pero, nagri-rent palang siya at ngayon lang nakaisip mag-avail sa ino-offer na rent to own plan.
Hindi namin maintindihan kung bakit kailangan pang sa condominium tumira si Sunshine, eh, ang laki ng bahay nila sa White Plains with matching swimming pool at iilan lang silang nakatira. Sabagay, kahit ang mother nitong si Dorothy Laforteza, hindi rin masakyan kung bakit kinakailangan nitong humiwalay ng tirahan.
Isa pang hindi namin maintindihan kay Sunshine ay ang obsession na maging forever tan. Kung pupuwede lang, sa Boracay na ito maninirahan dahil lagi itong nasa island. Hindi pa man bumabalik ang dating kulay, naglagi na naman ito sa Boracay noong Holy Week at ngayong Lunes lang bumalik. Im sure, super tan na naman ang anak ni Dorothy. Kahit sinasabi namin at ilang kaibigang mas bagay sa kanyang maputi siyay ayaw makinig at mas type ngang maitim siya.
Kasosyo na pala ni Ara Mina si Nadia Montenegro sa Osteria Italian Restaurant. Nang minsang nasa resto kamiy, nakita namin si Nadia galing sa office nila ni Ara at doon namin nalamang magkasosyo na pala sila. Ang sweet na kasosyo ni Nadia dahil nag-offer pang ipagluto ng isda si Ara kung type nitong kumain ng fish.
Six months pregnant pala si Nadia at babae na naman siguro ang isisilang nitot, ang ganda-ganda niya ngayon. Kinumusta namin kung nakapasa sa audition ng Darna ang eldest daughter niya?
Sabi ni Nadia, hindi nagpatuloy sa pag-o-audition ang anak dahil pinul-out ng manager nitong si Douglas Quijano. Gusto raw ni Douglas na sa StarStruck 3 isali ang anak. Kung walang SS this year, siguro naman next year meron na and by that time, 14 years old na ang daughter ni Nadia.
Hindi naniniwala ang ilang reporter na in love ang guwapong actor sa inila-loveteam sa kanyang actress. Sa harap ng camera at kapag nasa TV lang daw sweet ang actor sa ka-loveteam dahil off cam, iba ang pakikitungo niya sa actress.
Naobserbahan din ng mga reporter na dumadalaw sa taping ng teleserye ng dalawa na hindi sila sweet at madalang pang mag-usap. Kung mag-usap man ay kung kinakailangan. Mas sweet pa raw ang actor sa isa pang actress na kasama nila sa teleserye ng kanyang ka-loveteam. Ang pangalawang actress ang madalas katsikahan ng guwapong actor at pati staff, nagugulat sa extra care na ibinibigay niya sa kaibigang actress.
Ilang beses na rin naming nakita ang guwapong actor at kanyang ka-loveteam na wala sila sa harap ng camera. Napansin din namin na kulang sila sa sweetness at nang makita nga namin sa isang rehearsal, halos hindi nagpapansinan.
Kung hindi babaguhin at kung makakayay, sa April 11 na ang simula ng Encantadia, a week after the April 4 pilot of Darna. Kabilang sa cast ng tele-fantasy ay sina Richard Gomez at Dawn Zulueta na unang napanood sa Forever in my Heart. Mag-asawa ang role nila sa Encantadia pero, hanggang dito muna ang kuwento namin para hindi kayo ma-preempt.
Niyaya pala kami ng isang kaibigan na bumisita sa set ng tele-fantasy, hindi lang kami nakasamat nag-a-advance kami ng deadline. Pero, nangako kaming dadalaw minsan sa taping na ginagawa sa may Mariwasa sa Pasig City. Curious kaming makita ang Soundstage na itinayo ng Ch. 7 na ang tele-fantasy ang unang gumamit. Gusto rin naming makita ang buong set na ginawa para hindi na magpalipat-lipat ng location ang cast.
Bilang si Perina, nag-aral ng martial arts at kung paano makipaglaban gamit ang dagger si Sunshine. Kinailangan din niyang magpa-hair extension dahil lahat sila nina Iza Calzado, Karylle at Diana Zubiri ay dapat mahaba ang buhok.
Natutuwa si Sunshine sa pagkakaroon ng bagong regular TV show sa Ch. 7 dahil mapapadali ang plano niyang pagbili ng condo unit sa Astoria Plaza sa may Ortigas Center. Dito na nakatira ang young actress pero, nagri-rent palang siya at ngayon lang nakaisip mag-avail sa ino-offer na rent to own plan.
Hindi namin maintindihan kung bakit kailangan pang sa condominium tumira si Sunshine, eh, ang laki ng bahay nila sa White Plains with matching swimming pool at iilan lang silang nakatira. Sabagay, kahit ang mother nitong si Dorothy Laforteza, hindi rin masakyan kung bakit kinakailangan nitong humiwalay ng tirahan.
Isa pang hindi namin maintindihan kay Sunshine ay ang obsession na maging forever tan. Kung pupuwede lang, sa Boracay na ito maninirahan dahil lagi itong nasa island. Hindi pa man bumabalik ang dating kulay, naglagi na naman ito sa Boracay noong Holy Week at ngayong Lunes lang bumalik. Im sure, super tan na naman ang anak ni Dorothy. Kahit sinasabi namin at ilang kaibigang mas bagay sa kanyang maputi siyay ayaw makinig at mas type ngang maitim siya.
Six months pregnant pala si Nadia at babae na naman siguro ang isisilang nitot, ang ganda-ganda niya ngayon. Kinumusta namin kung nakapasa sa audition ng Darna ang eldest daughter niya?
Sabi ni Nadia, hindi nagpatuloy sa pag-o-audition ang anak dahil pinul-out ng manager nitong si Douglas Quijano. Gusto raw ni Douglas na sa StarStruck 3 isali ang anak. Kung walang SS this year, siguro naman next year meron na and by that time, 14 years old na ang daughter ni Nadia.
Naobserbahan din ng mga reporter na dumadalaw sa taping ng teleserye ng dalawa na hindi sila sweet at madalang pang mag-usap. Kung mag-usap man ay kung kinakailangan. Mas sweet pa raw ang actor sa isa pang actress na kasama nila sa teleserye ng kanyang ka-loveteam. Ang pangalawang actress ang madalas katsikahan ng guwapong actor at pati staff, nagugulat sa extra care na ibinibigay niya sa kaibigang actress.
Ilang beses na rin naming nakita ang guwapong actor at kanyang ka-loveteam na wala sila sa harap ng camera. Napansin din namin na kulang sila sa sweetness at nang makita nga namin sa isang rehearsal, halos hindi nagpapansinan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
December 17, 2024 - 12:00am