^

PSN Showbiz

Jodi, nagpakasal na sa Amerika

RATED A - Aster Amoyo -
Bago nag-Holy Week, marami kaming nabasang negative write-ups tungkol kay Baron Geisler, particularly iyong lagi raw siyang lasing. Pumasok tuloy sa isip namin, bakit pinapayagan si Baron ng Star Magic na pumasok sa ABS-CBN na ganoon ang kondisyon niya? Ano ba ang nangyayari kay Baron, sayang naman ang maganda niyang simula dahil isa naman siyang mahusay na aktor?

Kaya natuwa naman kami nang may makausap kami last Holy Thursday, na close sa family ni Baron at sinabi nito na okey na raw ngayon si Baron. In fact, dalawang beses na raw itong bumisita sa kanila at doon pa nag-dinner. Sabi namin sa kanya, mabuti naman kung ganoon dahil ang alam namin, kasama si Baron sa bagong teleserye na gagawin ng ABS-CBN, ang Vietnam Rose na ididirek ni Joel Lamangan, na kung hindi kami nagkakamali, gaganap siyang isang Filipino soldier na ipinadala sa Vietnam na tinawag noon na Philcag.
* * *
Totoo naman kayang nagbago ng isip si Jodi Santamaria at magpapakasal na raw ito sa boyfriend na si Pampi Lacson? Matagal-tagal na ring nasa States si Jodi na nagpunta roon para raw lamang dalawin si Pampi na naka-based ngayon doon dahil nag-aaral ito at magtatayo ng sariling business doon. Pero noong nakausap namin si Jodi bago siya umalis sabi niya, three weeks daw lamang siya magbabakasyon pero kung may project daw na ibibigay sa kanya ang ABS-CBN, babalik din daw siya agad. Noong time na umalis siya, wala pa siyang alam na bagong project na gagawin. At sabi rin niya noon, wala pa silang balak magpakasal ni Pampi dahil magsisimula pa nga lamang ito sa States.

Pero ang lahat ng ito ay mabilis na nagbago dahil as of press time ay nakumpirma na namin na nagpakasal na nga ngayong araw na ito sa isang simbahan sa Las Vegas sina Jodi at Pampi making her Mrs. Jodi Lacson now. Congrats.

May magandang role si Jodi sa bagong teleserye na Vietnam Rose at sa palagay namin, babalik na rin siya agad dahil sa April 6 nga ay simula na ng taping nito at first time yata niyang maididirek ni Joel Lamangan.
* * *
May nabasa kami na malamang lumipat daw si Randy Santiago sa GMA-7 dahil nakita raw nito ang magandang samahan ng mga artista at staff ng Lagot Ka… Isusumbong Kita, nang mag-guest ito sa summer special ng show na mapapanood na ngayong gabi pagkatapos ng Koreanovelang Stairway To Heaven.

Pero mukhang hindi mangyayari iyon dahil ang balita namin, may gagawin siyang bagong sitcom sa ABS-CBN at magtatambal sila ni Aiai delas Alas. Kung tuloy ito, hindi naman siguro siya papayagan ng ABS-CBN na gumawa rin ng isa pang sitcom sa iba namang network.
* * *
Noong Holy Week, nagkaroon kami ng chance na mapakinggan ang ipinadalang double-CD ng Viva Records sa amin, ang "A Tribute to George Canseco (Paano Kita Mapasasalamatan)." Isa talaga itong very memorable tribute kay George Canseco na pumanaw na noong November 19, 2004. Sa ngayon, isa siya sa kinu-consider na bigyan ng parangal bilang National Artist sa taong ito.

Binubuo ng 25 songs ang dalawang CD, the best sa mga compositions ni George simula pa sa "Dear Heart" ni Sharon Cuneta na siya ring kumanta sa huling awitin sa album, ang "Ako ay Pilipino." Dalawa rin ang kinanta rito ni Basil Valdez, ang "Buksan" at "Ama." Si Regine Velasquez ang umawit ng "Ikaw," si Nora Aunor sa "Dito Ba?" si Kuh Ledesma sa "Sana."

Kinanta naman ni Sarah Geronimo ang "Paano Kita Mapasasalamatan," Mark Bautista sa "Ngayon at Kailanman," Rachelle Ann Go sa "Kapantay Ay Langit" at Raymond Manalo sa "Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan."

Sabi nga ni Baby Gil ng Viva Records: "The creator of the song is now forever silenced but as long as the Filipinos remain enamored of music, there will never be a day when a George Canseco will not be heard."

DAHIL

GEORGE CANSECO

JODI

JOEL LAMANGAN

PAANO KITA MAPASASALAMATAN

PAMPI

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with