^

PSN Showbiz

Induction ng SGP

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Maraming masasayang balita ang umapaw sa induction ceremony ng Screenwriters Guild of the Philippines na pinamunuan ng multi-awarded at beteranong manunulat na si Pablo Gomez.

Kahit sabihin pang maraming mga problema ang industriya ngayon, doon sa pagtitipong ginanap sa Film Academy of the Philippines offices hindi ito naramdaman.

Ang naging inducting officers ay ang FAP President na si Atty. Esperidion Laxa at FAP Director General Leo Martinez. Dumalo rin ang MOWELFUND President na si Boots Anson Roa.

Ang aktres ang unang nagsalita dahil kailangan pa niyang pumunta sa isang appointment that Saturday. Sabi ni Boots, "ang screenplay ang pinakamahalagang bahagi ng pelikula. Ito ang foundation, kaya dapat maging maayos at matatag ito. Kung mahina ang pundasyon ng anumang bagay, madaling mabuwag ito. Kung matibay at matino naman ang pagkagawa, tiyak na isang magandang pelikula ang mabubuo mula sa sinulat na script.

Isang annoucement mula kay Atty. Laxa ang nagpasaya sa lahat ng mga scriptwriters na dumalo.

"Ang Film Academy of the Philippines ay ilulunsad ang isang timpalak para sa mga screenwriters," simula ni Atty. Laxa. "Magkakaroon ng dalawang kategorya ito– ang pagsusulat ng script at storyline. Limang storyline ang pipiliing winners na tatanggap ng tig-P50,000 ang bawat mananalo. Tatlong scripts naman ang magwawagi na pagkakalooban ng tig-P200,000 bawat isa."

Dinagdag pa ni Atty. Laxa na ang Academy mismo ang magrerekomenda ng mga nagwaging storylines at scripts sa mga producers, upang siguradong maisapelikula ang mga natatanging obra. Kung susuwertihin, baka makasali pa itong official entries sa Metro Manila Film Festival.

Isa pang magandang balita ang nalaman namin mula mismo sa pangulo ng SGP na si Pablo S. Gomez. Gustong i-remake ng Star  Cinema ang Kampanerang Kuba na pinagbidahan ni Vilma Santos noon. Sa pelikulang ito rin unang nagwagi ng FAMAS Best Actress si Mayor Vi.

Kailangan din pala ng ABS CBN ng isang script na magtatampok sa mga batang artista. Meron din nito si Pablo, ang Mga Alabok Sa Lupa na magtatampok sa husay sa pag-arte ng mga tsikiting.

"Sa ‘akin naman, hindi gaanong mahalaga kung magkano ang ibabayad," sabi ni Pablo. "Higit na mahalaga na makapasok ako sa isang malaking network, para naman mabuksan din ang kanilang pintuan sa iba ko pang kasama sa Screenwriters Guild."

Kung tutuusin, ilang dekada na kasapi si Pablo sa SGP at maari talaga siyang maging opisyal nito. Nasiyahan na siya sa pagiging simpleng kasapi noong mga nagdaang panahon.

"Kaya ko tinanggap ang posisyong ito ngayon ay dahil sa big challenge na hinaharap ng iba’t ibang guilds ng Academy sa kritikal na panahong ito," pahayag ng manunulat/direktor. "Lalo na ang aming guild, talagang marami sa amin ang walang trabaho. Sana maibsan ang problemang ito at maging masiglang muli ang career ng mga mahuhusay na manunulat ng pelikula at telebisyon.

Noong hapon at gabing iyon, ang producer/director/scriptwriter na si William Pascual ang natoka sa pagkain. Totoong masagana ang handa sa party. Kundi ninyo alam, dati rin may restaurant si William at hanggang ngayon nasa food business pa rin siya, kasama ang kanyang kapatid, ang mabait na producer na si Baby Pascual.

BABY PASCUAL

BOOTS ANSON ROA

DIRECTOR GENERAL

ESPERIDION LAXA

FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES

LAXA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with