Sa halip na 14 churches ang mapuntahan namin (one station of the cross per church), Immaculate Heart of Mary in New York, Cubao; Sacred Heart of Jesus in Sta Mesa; St. Francis of Assisi, Mandaluyong City; Sta. Rosa de Lima, Pasig City, ito yung ang mga katabi ay pawang mga motels; Our Lady of Good Voyage, Antipolo City; San Antonio de Padua, Antipolo City; Christ The King, Green Meadows; Santuario de San Jose at Mary The Queens, Greenhills; Santuario de San Antonio, Forbes Park; St, Andrew The Apostle, Bel Air; Malate Church; Shrine of Jesus, The Way The Truth & The Life; Reclaimed Area, Roxas Blvd.; Our Lady of Perpetual Help, Baclaran at Carmel of St.Therese of the Child Jesus, Gilmore, yung ika-15th at kinaroroonan ng santo na nagpagaling sa akin nung magkasakit ako ng grabe, si St. Therese of the Child Jesus.
Dati rati nakakakita ako ng maraming celebs sa aming pagbibisita. This year, kakaunti lamang sila, siguro nasa bakasyon lahat. I saw Navotas Mayor Toby Tiangco in Santuario de San Jose, Director, Louie Ignacio, sa Malate at Roxas Blvd., former first lady Mrs. Imelda Marcos at Noel Trinidad sa Forbes Park.
Sa Bel Air, nakakita ako ng isang fan, si Amy, na nilapitan talaga ako at tinanong kung ako raw ba yung nababasa niya araw-araw. Kahit dyahi sa mga nakakarinig, had to tell her yes.
Sa lahat ng mga istasyon na inilagay sa labas ng simbahan, dun sa Shrine of Jesus sa Roxas Blvd., ako nahirapan dahil inilagay ang mga istasyon sa car park. Di ko tuloy malaman kung sa harap ba o sa likod ako ng mga sasakyan lulugar, at ang tataas ng pagkakalagay ng istasyon, di ko matingala at baka atakihin ako ng vertigo.
Nahirapan din ako sa paghahanap ng ika-14th station sa Baclaran Church. di lang ako, marami kami dahil nakahiwalay ito sa 13 istasyon. Sa kabila ng banta ng pambobomba sa simbahang ito, apaw pa rin ang tao.
Nagsimula kami ng alas dose ng tanghali at bago mag-alas dose ng gabi, naka-15 simbahan na kami.
Salamat nga pala sa kaibigan kong si Virgie na maraming taon na kaming ipinagda-drive tuwing Hwebes Santo. Kung pagod kami, mas lalo na siya dahil bukod sa nagda-drive, hirap pa siyang maghanap ng mapaparadahan. Thank you rin kay Carmelites Rigonan na siya namang gumastos sa aming tanghalian sa Antipolo at sa aming hapunan ng sinigang na hipon, pritong tilapia, adobong pusit, alimango sa oyster sauce sa Dampa sa Parañaque City.
Pinamagatang "Paano Kita Mapasasalamatan", nagtataglay ito ng nauna niyang mga komposisyon ("Kapantay Ay Langit", Rachelle Ann Go; "Langis At tubig", Jun Polistico; "Ngayon at Kailanman", Mark Bautista; "Ako Ay Pilipino" at "Dear Heart", Sharon Cuneta at marami pa) at ang mga recent works niya ("Ikaw", Regine Velasquez; "Hindi Ko Sinadya", Lani Misalucha; "Paano", Pops Fernandez at marami pa ring iba).