Di lahat sa PMPC ay nagbenta ng boto noh!
March 24, 2005 | 12:00am
Nung magsimba ako nung Lunes sa Simbahan ng Birhen ng Manaoag, isa sa ipinagdasal ko ay mabigyan ako ng linaw sa ginagawa kong imbestigasyon ngayon para sa kinaaniban kong organisasyon na pinag-usapan na naman at nilalait-lait dahilan sa kagagawan ng marami kong kasamahan dahil lamang sa kakaunting pera. Halos mapikon ako dahil pagkatapos ng Misa ay marami sa mga kasamahan ko ay namili ng mga pasalubong pero lahat sila ay natanong kung myembro ba sila ng PMPC at kung ang ipinambili ba nila ay mula sa pinagbilhan nila ng boto. Cruel, di ba? Lalot isa ako sa kakaunting di nagbenta ng boto. Di ako pwedeng tumahimik kahit sigurado akong di ako ang pinariringgan at ang tanong ay isa na lamang palasak na biro ngayon among entertainment writers.
Mas lalo tuloy tumibay ang loob ko na ipagpatuloy ang imbestigasyon na nakaatang sa aking balikat at ma-resolba ang kaguluhan para sa kapakanan ng lahat. At sana mangyari man ito ay di ako makagawa ng kasalanan sa aking mga kasama na nagmalasado sa Club. At sana ay nagsisisi na sila at tinatanggap na ang mga pagkakamali nila. Sana rin matanggap nila ang magiging hatol ng Club.
Bakit palagi kong isinusulat ang mga palabas sa Club Mwah!? Dahil ilang ulit ko na itong napanood at kahit minsan ay hindi ako nagsawa ng kapapanood. Bukod sa close ako sa isa sa nagmemeari ng club na si Pocholo Mallilin na isang success story dahil makaraan ang 9 na taong pagtatrabaho sa bansang Hapon ay umuwi ng bansa para dito gumawa ng negosyo at mabigyan ng trabaho ang maraming mga Pinoy na hindi muna makakapunta ng Japan para magtrabaho.
Maganda ang mga palabas sa Club Mwah! Kahit kabataan ay pwede itong panoorin. Sulit ang ibabayad ng manonood dahil sa costume pa lamang ay talagang ginastusan na. Napaka-ganda ng choreography. Mamimili ka lamang kung ang gusto mong panoorin ay ang Bedazzled 2 na ang mga lumalabas ay mga gay performers na hindi mo paniniwalaang mga gay dahil mas maganda pa sila sa maraming babae o ang Follies de Mwah 2, isang all girl show. Huwag kang pumayag na makwentuhan lamang tungkol sa show. Kailangang makita mo ng personal ang kagandahan ng mga ito. Katulad ko, uulit-ulitin mo to.
Sa March 27 at 28, magkakaron ng reunion ang Batch 90 ng CSC Laboratory High School sa Rockdell Hotel, pag-aari ng isang alumnus, sa Virac, Catanduanes.
Magiging highlight ng reunion ang libreng concert na gagawin ng isang alumnus ng nasabing iskwelahan na si Caicai Sorra, isang matagumpay na mang-aawit sa Hongkong at myembro ng bandang Head & Nails na tumutugtog sa Hotel Grandstanford.
Mas lalo tuloy tumibay ang loob ko na ipagpatuloy ang imbestigasyon na nakaatang sa aking balikat at ma-resolba ang kaguluhan para sa kapakanan ng lahat. At sana mangyari man ito ay di ako makagawa ng kasalanan sa aking mga kasama na nagmalasado sa Club. At sana ay nagsisisi na sila at tinatanggap na ang mga pagkakamali nila. Sana rin matanggap nila ang magiging hatol ng Club.
Maganda ang mga palabas sa Club Mwah! Kahit kabataan ay pwede itong panoorin. Sulit ang ibabayad ng manonood dahil sa costume pa lamang ay talagang ginastusan na. Napaka-ganda ng choreography. Mamimili ka lamang kung ang gusto mong panoorin ay ang Bedazzled 2 na ang mga lumalabas ay mga gay performers na hindi mo paniniwalaang mga gay dahil mas maganda pa sila sa maraming babae o ang Follies de Mwah 2, isang all girl show. Huwag kang pumayag na makwentuhan lamang tungkol sa show. Kailangang makita mo ng personal ang kagandahan ng mga ito. Katulad ko, uulit-ulitin mo to.
Magiging highlight ng reunion ang libreng concert na gagawin ng isang alumnus ng nasabing iskwelahan na si Caicai Sorra, isang matagumpay na mang-aawit sa Hongkong at myembro ng bandang Head & Nails na tumutugtog sa Hotel Grandstanford.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am