Japanese businessman ang tatay ni Mayo, si Fumio Suzuki at Pinay businesswoman naman ang nanay niyang si Maribel Elma na pwede ring artista sa taglay na ganda.
Kaya naman magaling mag-Tagalog si Mayo dahil sa taun-taon naman silang mag-ina na nagbabakasyon sa bansa at kung minsan, Tagalog ang kanilang usapan. "I want to learn English better here," dagdag info ni Mayo na nakatakdang mag-enroll sa ABS-CBN Distance Learning Center sa pasukan. "I terribly miss my classmates in Japan," sabi ni Mayo. Sa Seitoku High School, puro babae ang mga kaklase niya. "Palagay ko, pag nalaman nilang mag-aartista ako rito sa Pilipinas, mai-excite sila," sabi niya.
Hindi maiiwasang ikumpara siya kay Sandara Park na 100% Korean ang mga magulang. "I dont mind kung ikumpara ako sa kanya. Mas nauna naman siya kaysa sa akin."
Ayon kay Mayo, iba ang kalakaran sa Japan, gentleman first, hindi gaya sa Pinas na ladies first. Sakaling dumating ang time na umibig siya, ma-attract kaya siya sa isang Pinoy o sa isang Japanese? "Hindi ko alam, depende kung ano ang ididikta ng puso ko. Ardent admirer ako ni Jerry Yan ng Taiwan. Nang makita ko one time si Billy Crawford sa SM Megamall dahil may show siya dun, I was speechless sa paghanga sa kanya. Talagang kinilig ako nang makita ko siya!" May picture silang dalawa sa kanyang cellphone.
Sakaling may dumating na project ang baguhang teener na alaga ni Jojo Veloso, gusto niyang makasama sina Baron Geisler, Richard Gomez at Kristine Hermosa. "Para sa akin, magagaling silang mga artista. Gusto ko ring maranasan yung feeling na makatrabaho sila. Lahat sila, good-looking na, mga talented celebrities pa." Arthur Quinto