Hiwalay na aktres, ka-live-in ng boyfriend?

Mismong source ko ang nagkwento na isang malapit na kaibigan nito ang nagsyete sa kanya na ang isang sikat na aktres na hiwalay na sa kanyang asawa ay minsang nakita niya sa bahay ng kanyang boyfriend na taga-showbiz din.

Hindi lang minsan kundi halos araw-araw ay nakikita niya run ang aktres kung saan naniniwala ito na baka nagli-live-in na ang dalawa. Isa kaya ito sa mga dahilan kaya ayaw nang makipagbalikan pa nito sa kanyang asawang aktor? Nasa kandili ng kanyang asawa ang mga anak pero may komunikasyon naman sila ng aktor.

Kapag tinatanong ang aktres ay itinatanggi pa rin niya ang relasyon nito sa boyfriend pero ano kayang paliwanag ang sasabihin nito gayung nakikita siya sa bahay nito araw-araw?
Paggunita Sa Semana Santa Ng Mga Artista
Ang Semana Santa ay minsan lang sa isang taong ginugunita ng mga artista. Pahinga muna sila sa taping o syuting para mabigyang halaga ang Holy Week. Pero paano ba ginugunita ng mga artista ang Holy Week?

Si Jolina Magdangal ay kapiling ang pamilya tuwing Semana Santa kung saan sabay-sabay silang nagbibisita Iglesia. Sa taong ito ay baka sa kanyang resthouse sa Tagaytay sila magtungo.

Ang ibang mga artista ay nagtutungo ng Boracay para mag-soul searching at mabago ang pananaw sa buhay.

Pero sana, gunitain nila ang kabanalan ng Semana Santa at bigyan ng halaga ang pagligtas ng Anak ng Diyos sa sangkatauhan dahil sa ating mga kasalanan. Hindi ito panahon ng paglilibang sa sarili manapa’y pagpapakita ng pagmamahal sa Lumikha sa pamamagitan ng kahit simpleng bagay lang gaya ng self-examination at maiwaksi na ang mga negatibong ugali gaya ng pagkainggit sa kapwa at pagkakaroon ng pride sa sarili.
Bella, May Misyon Tuwing Mahal Na Araw
Kung kontrabida si Bella Flores sa mga manonood ay taliwas naman ito sa tunay na buhay. Bihira ang nakakaalam na mapagkawanggawa ang aktres. Aktibong myembro ito ng Kiwanis Club International at tumutulong ito sa mga kapuspalad.

Kahit sa kanilang lugar ay takbuhan din si Bella ng mga kapitbahay. Kapag walang makain ay nagbibigay siya ng kahit isang kilong bigas o kaya gatas sa mahihirap na sanggol.

Tuwing Semana Santa ay mayroon itong misyon na tinatawag na Caridad kung saan nagpapakain siya sa mga kapuspalad. Hindi kataka-takang mahal siya ng mga tao sa kabila ng pagkakaroon ng masamang budhi sa pelikula at telebisyon.
Gusto N’yo Bang Mag-Artista?
May summer acting workshop sa paanyaya ng Sapphire N Topaz Management and Production/True People Production nina Emy Parayno at Adel Matibag sa Abril 2,4,5, 6,7,8 kung saan baka maging daan ito patungo sa pag-aartista ng mga workshoppers. Sa pamamagitan ng workshop ay hahasain sila sa pag-arte at magagamit nila ito sa pelikula at mga shows nationwide na prodyus din ng produksyon.

Ang registration ay bukas mula sa mga bata hanggang sa matatanda na gaganapin sa nasabing petsa ganap na 9 ng umaga hanggang 5 ng hapon sa Visitors House, Ninoy Aquino Parks and Wildlife Nature Center, Quezon Ave. Diliman QC.

Tumawag lang sa tel. blg. 9160238 at 0919-8399413 at hanapin si Emy.

Show comments