"She was very professional and very game. Kaya gusto namin siyang pasalamatan. Gusto naming iparating how thankful we are to her," sabi ni M.R.S. director Erick Salud.
Ang balita ko pa, hindi humingi ng talent fee si Regine sa nasabing guesting. Kaya bilang pasasalamat, isang special VTR ang ginawa ng staff para kay Regine.
"When we asked her to guest sa show, walang dalawang salita. Hindi pinag-usapan ang talent fee. She said yes agad. And during the show, she didnt even promote her shows abroad. Kaya kami na ang gumawa ng promo. Salamat kay Regine," kwento pa ni Direk Erick.
Si Olivia Lamasan ang magdidirek ng movie.
Naikwento na sa akin ni ABS-CBN business unite head Cathy Ochoa-Perez ang kuwento ng Vietnam Rose. Tiyak na ikatutuwa ng mga fans ni Maricel ang pagbabalik nito sa drama.
Third week of April ay aalis si Maricel kasama ang iba pang cast papuntang Vietnam para kunan ang ilang importanteng eksena. Kasama ni Maricel na tutungo sa Vietnam ang mga direktor na sina Joel Lamangan at Don Cuaresma at writer na si Ricky Lee.
Ang Vietnam Rose ay tinataya na isa sa pinakamalaking produksyon ng ABS-CBN sa drama. Siyempre, fitting lang naman ito para sa pagbabalik sa telebisyon ng drama queen.
Na-excite ang staff ng The Buzz kay Mark Anthony. In fairness kasi kay Mark Anthony, maganda ang naging pakikisama nito sa tao noong nagsisimula pa ito. Well-loved talaga ito.
Sa pakikipagkuwentuhan nina Boy Abunda at Cristy Fermin kay Mark, inamin ni Mark ang hirap na pinagdaanan niya sa kanyang rehabilitation. Ayon kay Mark, masuwerte pa din siya na nabigyan siya ng pagkakataong makabalik.
Naluha si Mark during the interview dahil umabot pala siya sa point na inakala niya na wala na siyang babalikang career.
"With the chance na ibinigay sa akin, hindi ko na ito sisirain," sabi ni Mark.
Kasama ni Mark sa White Rock Resort ang kanyang non-showbiz wife. Sayang at hindi niya kasama ang kanilang baby.
Ang kabuuan ng interview ni Mark sa The Buzz ay mapapanood sa Easter Sunday episode sa March 27.