Totoo rin na sinasamantala ang nalalabing panahon bago tuluyang bumalik ng Korea si Sandara, kung bakit ay siya lamang ang nakakaalam.
Pero, totoo rin na bukod kina Hero at Sandara mayron pang pareha na susugalan ang Star Cinema. Ito yung kina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo. Kung makapasa sila sa panlasa ng manonood, solved na ang problema ng Star Cinema sa pagkawala ng tambalang Hero/Sandara, kahit sinasabing pansamantala lamang until such time na bumalik ang Koreanang aktres.
Pagkakataon na nina Joross at Roxanne to make their tandem felt. After all, hindi naman sila baguhan sa paningin ng mga manonood. Naririyan ang cute na komersyal nila at ang malalaking mga billboards courtesy ng produktong ini-endorso nila. Kailangan lamang na mag-click sila sa Can This Be Love na hindi na mahirap dahil nakapagsimula na sila.
Regular si Paw sa Yes Yes Show at ASAP Fanatic. At 18 years of age, Paw is on top of the world, awaiting a major clothing endorsement at show. Kapag di busy, mahilig itong makipag-text sa friends, matulog at mag-gantsilyo.
Ang The Wedding Date ay isang nakatutuwang pelikula na katulad ng Four Weddings and A Funeral, My Best Friends Wedding tungkol sa isang babae, si Kat na ginagampanan ni Messing, isang single girl sa New York na naimbita sa kasalang pampamilya na hindi niya mapahihindian.
Ang ikakasal ay ang napaka-spoiled niyang half-sister pero, ang best man sa kasal ang pinoproblema niya dahil ex boyfriend niya ito. Alam niyang paguusapan siya at tatanungin nila kung ano na ang nangyari sa kanya matapos silang magkasira ng boyfriend niya. Ito ang ayaw niyang mangyari.
Dahil wala na siyang panahon para makahanap pa ng boyfriend, umupa siya ng isang lalaking magpapanggap na ka-relasyon niya. Sa halagang $6000 nakakita siya ng lalaking guwapo, may social skills, maganda mag-damit at pananaghilian ng lahat ng babaeng makakakita rito, Ito si Nick (Dermot Mulroney, best friend ni Julia Roberts sa My Best Friends Wedding). Nawala nga ang problema ni Kat dahil lahat ng babae, at maging mga lalaki, nabihag ng charm ni Nick pero, ang pagpapanggap nila ay nauwi sa the real thing.
May Theater Arts degree si Messing mula sa Brandels University at isang Masters in Fine Arts sa NYU.
Ang The Wedding Date ay ipinamamahagi ng Viva International Pictures at palabas na sa Abril 13.