Hindi raw spoiled sa parents niya si Cristine. "Spoiled siguro sa akin," pagbibiro ni Ara na sinundan ng tawa. Alam daw niya ang lahat ng isyu sa kapatid pero, hindi siya nagwu-worry dahil mas kilala niya ito kesa mga nag-aaway dito.
Dahil kontrobersyal, hindi makapaniwala si Ara na gusto ni Cesar Montano na makapareha ang kapatid sa Dagohoy. Lalong hindi makapaniwala si Ara na si Sunshine Cruz ang mismong nag-rekomenda kay Cesar. Nakitawa ito sa press nang may mag-react na baka magaya ang kapatid kay Juliana Palermo na pinagselosan ni Sunshine.
Kampante siguro si Ara na walang magiging isyu sa kapatid at kay Cesar kung sakaling matuloy ang pagsasama nila sa pelikula. Sa isang interview, nabanggit ni Cristine na ayaw niya sa guys na malaki ang agwat ng edad sa kanya at higit sa lahat, ayaw niyang ma-link sa may asawa.
Ang kaibahan lang, may kapalit agad na teleserye sa ABS-CBN si Albert at kasama pa ang ibinabalik na team-up nina Jean Garcia at Eula Valdez na sinubaybayan sa Pangako Sa Yo. Wala pa lang title ang teleserye at pati director ay wala pa ring balita pero, sa April na raw magsisimula ang taping nito.
Sa cast palang, obvious na heavy drama ang teleseryeng itot kilalang magagaling na actor sina Albert, Jean at Eula. Naalala naming ibinalita ni Tirso Cruz III na kasama siya sa isa sa mga bagong serye ng Ch. 2, dito kaya siya kasali?
Abangan!
Ikinumpara ng friend namin sa young married couple sina Kirby de Jesus at Krizzy Jareño sa ka-sweetan. Kahit daw kasama ni Krizzy ang ama, hindi napigil si Kirby na bakuran ito, akbayan ang girlfriend na parang mag-asawa na sila.
Another lovey-dovey couple that night sina Mike Tan at LJ Reyes. Tawa nang tawa ang friend namin nang masilip na nagho-holding hands sa ilalim ng mesa ang dalawa in an attempt to hide their relationship. Hindi nito ibinuko ang dalawat baka mapahiya at binantayan na lang ang mga kilos.
Panay naman daw ang harutan nina Jelaine Santos at Cris Martin at sabi pa ng friend namin, hindi siya magugulat kung magka-totoo ang onscreen loveteam nila.
Nadiskubre ng production staff ng Wag Kukurap na bumibitaw ang kanilang audience sa last 30 minutes at lumilipat sa Ch. 2 dahil buo ang istorya ng Ngiinig!. Para, wala nang lipatan, buong istorya sa isang oras na rin ang weekly na ibibigay ng WK.