^

PSN Showbiz

Kapatid ni Ara, gustong maka-partner ni Cesar

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Talung-talo si Ara Mina sa pagka-kontrobersyal ng kapatid niyang si Cristine Reyes. Sa halip na mag-comment, natawa na lang si Ara sa isyung marami ang umaaway sa kapatid at ang latest nga’y si Michelle Madrigal.

Hindi raw spoiled sa parents niya si Cristine. "Spoiled siguro sa akin," pagbibiro ni Ara na sinundan ng tawa. Alam daw niya ang lahat ng isyu sa kapatid pero, hindi siya nagwu-worry dahil mas kilala niya ito kesa mga nag-aaway dito.

Dahil kontrobersyal, hindi makapaniwala si Ara na gusto ni Cesar Montano na makapareha ang kapatid sa Dagohoy. Lalong hindi makapaniwala si Ara na si Sunshine Cruz ang mismong nag-rekomenda kay Cesar. Nakitawa ito sa press nang may mag-react na baka magaya ang kapatid kay Juliana Palermo na pinagselosan ni Sunshine.

Kampante siguro si Ara na walang magiging isyu sa kapatid at kay Cesar kung sakaling matuloy ang pagsasama nila sa pelikula. Sa isang interview, nabanggit ni Cristine na ayaw niya sa guys na malaki ang agwat ng edad sa kanya at higit sa lahat, ayaw niyang ma-link sa may asawa.
* * *
Walang dapat ipag-sintir si Marco Alcaraz dahil hindi lang siya ang naalis sa original cast ng Vietnam Rose. Out na rin si Albert Martinez na sa conceptualization palang ng series ay kasama na at siya pa nga ang sinasabing kapareha ni Maricel Soriano.

Ang kaibahan lang, may kapalit agad na teleserye sa ABS-CBN si Albert at kasama pa ang ibinabalik na team-up nina Jean Garcia at Eula Valdez na sinubaybayan sa Pangako Sa ‘Yo. Wala pa lang title ang teleserye at pati director ay wala pa ring balita pero, sa April na raw magsisimula ang taping nito.

Sa cast palang, obvious na heavy drama ang teleseryeng ito’t kilalang magagaling na actor sina Albert, Jean at Eula. Naalala naming ibinalita ni Tirso Cruz III na kasama siya sa isa sa mga bagong serye ng Ch. 2, dito kaya siya kasali?

Abangan!
* * *
Enjoy na enjoy sa pagkukwento ang friend namin sa mga naobserbahang kilos ng mga taga-StarStruck 2 sa birthday party ni Kirby de Jesus noong March 17 sa 1920 Bar and Restaurant. Kapag walang mga reporter sa paligid, hindi guarded ang kilos ng mga bata at sweet kung sweet sila sa object ng kanilang affection.

Ikinumpara ng friend namin sa young married couple sina Kirby de Jesus at Krizzy Jareño sa ka-sweetan. Kahit daw kasama ni Krizzy ang ama, hindi napigil si Kirby na bakuran ito, akbayan ang girlfriend na parang mag-asawa na sila.

Another lovey-dovey couple that night sina Mike Tan at LJ Reyes. Tawa nang tawa ang friend namin nang masilip na nagho-holding hands sa ilalim ng mesa ang dalawa in an attempt to hide their relationship. Hindi nito ibinuko ang dalawa’t baka mapahiya at binantayan na lang ang mga kilos.

Panay naman daw ang harutan nina Jelaine Santos at Cris Martin at sabi pa ng friend namin, hindi siya magugulat kung magka-totoo ang onscreen loveteam nila.
* * *
Ginawan na ng paraan ng mga taong nasa likod ng ‘Wag Kukurap ang ilang linggo at ilang points na pagkatalo nila sa rating ng katapat nilang Ngiinig. Starting last Saturday, ibinalik ang horror show ng GMA 7 sa one episode sa one hour nitong time slot.

Nadiskubre ng production staff ng ‘Wag Kukurap na bumibitaw ang kanilang audience sa last 30 minutes at lumilipat sa Ch. 2 dahil buo ang istorya ng Ngiinig!. Para, wala nang lipatan, buong istorya sa isang oras na rin ang weekly na ibibigay ng WK.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ARA MINA

BAR AND RESTAURANT

CESAR MONTANO

CRIS MARTIN

CRISTINE

WAG KUKURAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with