^

PSN Showbiz

Hininga ng aktres, bumaho sa pagda-diet

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Panay ang pagda-diet ng isang sikat na aktres ngayon.

Tanong ng isang source, hindi kaya ito nagkaroon ng epekto sa amoy ng kanyang bibig? Malansa raw ang amoy ng kanyang hininga. Ang dami kasing gamot ang iniinom nito sa pagbabawas ng timbang.

Visible sa mga TV shows ang magaling na aktres at mainstay ito ng isang teleserye.
Ara, Lalong Gumanda
Nakahabol si Ara Mina bilang espesyal na panauhin sa 19th anniversary ng Pilipino Star Ngayon. Galing pa kasi ito sa farewell party ng Mulawin.

Nagkakaisa ang mga empleyado ng PSN sa pagsasabing lalo itong gumanda at sumeksi. Naggo-glow talaga ang kanyang beauty.

"At peace na kasi ako ngayon nang magkahiwalay kami ni Jomari. Masaya ako ngayon at walang pressure o tension sa buhay," aniya.

Pahinga muna si Ara sa teleserye at ang aasikasuhin ay ang Bubble Gang at mga TV guesting. May nakalinya rin itong show sa America at baka gumawa rin ng pelikula sa direksyon ni Gil Portes.

Maraming nagsasabi na baka maka-grand slam ang aktres bilang Best Supporting Actress dahil sa mahusay na pag-arte sa Minsan Pa.

Ayaw nitong mag-comment tungkol sa kanyang lovelife lalo na sa basketbolistang nali-link sa kanya. Basta’t ang masasabi niya ay masaya siya ngayon sa kanyang buhay.
Supladita Nga Ba?
Napakaganda pala ni Erich Gonzales nang makita namin sa PSN anniversary kung saan, deserving nga itong maging Star Circle grand quester.

Tinanong ko siya kung bakit mga negatibong balita ang lumalabas tungkol sa kanya gaya ng pagiging suplada at taklesa.

Sey ng magandang dalagita, "Hindi naman po ako suplada kundi tahimik lang. Bilang baguhan, naga-adjust pa po ako pero unti-unti kong binabago ang pagiging mahiyain. Tungkol naman po sa pagiging taklesa, minsan po kasi nagiging prangka lang ako. Minsan nababati ko ang mga kasamahang artista ng "Ang taba mo ngayon! Hindi ko alam na minamasama pala nila ito. Kaya nag-iisip na po ako ng mga sasabihin ko para di makasakit ng kapwa. Kasi po wala namang ibang kahulugan ito sa akin. Pero iba po pala sa showbiz," paliwanag nito.

Taga-Davao si Erich at inaming malaki ang naging pagbabago sa kanyang buhay nang manalong grand questor sa Star Circle Quest.

"Nakabili po ako ng kotse at condo unit. Higit sa lahat, nagkaroon po ako ng mga shows gaya ng teleserye, MRS, Ok Fine Whatever at ASAP Fanatic."

Fifteen years old lang si Erich at alam naming malayo pa ang kanyang mararating sa tulong ng ABS-CBN.
D’pardz, Mala-Hagibis Ang Dating
Nag-aalaga na pala si Pinky "Pop" Fernandez ng boy band na tinawag niyang D’ Pardz. Ang galing ng mga ito at pwedeng sumunod sa yapak ng Hagibis. Ito’y binubuo ng mga gwapo at machong lalaki na sina Cymon Esguerra, Mon Lacsamana, Eiven Gatdula at Miguel Ramirez.

Si Pinky ay tinagurian namang Queen of Naughty Songs. Katuwang niya sa pamamahala sa boy band ang magaling na character actor na si Danny Labra (Balisong King).

Sabi nga namin sa manager na si Pinky ay malayo ang mararating ng kanyang alagang banda. Halos ayaw na nga itong paupuin ng mga empleyado nang maging guest sa PSN anniversary.

vuukle comment

AKO

ARA MINA

BALISONG KING

BEST SUPPORTING ACTRESS

BUBBLE GANG

CYMON ESGUERRA

DANNY LABRA

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with