Sa bagong self-titled album nito, inilabas ni Jeffrey ang kanyang nahinog na talino sa musika. Ibinuhos niya sa album ang kanyang pagiging songwriter at seasoned performer.
"Sa mahabang panahon ng pagsusulat ko ng kanta, ngayon wala nang boundaries. Pag may inisip akong ideas, yung melodies ko hindi na lang siya limited sa isang chord. Kahit yung mga lyrics ko, napaka-unpredictable basta na lang lumalabas. Then the next day pag naalala ko pa yung tono, ibig sabihin ay maganda talaga yung melody nung kanta," paliwanag ni Jeffrey.
At ang resulta ng "Jeffrey Hidalgo" album ay pinaghalong R&B, acoustic at alternative rock na tatlong taong pinaghirapan ni Jeffrey. At para lalo pang gumanda ang album, may collaboration ito ng mga magagaling ding songwriter ng bansa.
Ang kanyang carrier single na "Kung Alam Ko Lang" na remake single ni Richard Reynoso ay binigyan ng bagong timpla ni Aaron Paul Del Rosario; "I Gave You Everything," na sinulat nina Jeffrey at Cholo Escano at inareglo at produced ni Jay Durias ng South Border; "Mamahaling Muli" sinulat ni Girl Valencia at areglo ni Arnie Mendros, "Dito," "Kung Ako Ay Iiwan Mo," kinompos ni Gino Torres. "Somewhere Out There" sinulat nila Jeffrey at Jimmy Bondoc at "One Night Stand" ni Brian Cua.
Ang "Jeffrey Hildalgo" album na naglalaman ng 10 trucks ay release ng Universal Records.
Kung bansagan nga siya ay three-in-one Diva dahil acting, singing at comedy ang kanyang ipinagmamalaking talent. Ito rin ang ipinamalas niyang powers sa kanyang matagumpay na solo show na halos mahulog sa upuan ang mga manonood dahil aliw na aliw sa kanya.
Si Janna ay first solo artist ng Peridot International Resources Company, ang kumpanyang nagdadala ng talent sa ibang bansa. Dati siyang kasama sa banda pero, nakita ng manager at president ng Peridot na si Racquel Bracero na kayang-kaya ni Janna ang mag-isa.
Hindi naman sila nagkamali dahil as in carry talaga ng powers ni Janna ang mundo ng entablado, sa katunayan ay nagsisimula na siyang markahan ng mga manonood sa mga bar at lounges na iniikutan nito sa Kamaynilaan.
Nagsimula si Janna sa Music Box kung saan siya nahasa bilang sing-along master at ng kanyang pagiging komedyante.