Nami-miss ni Keempee ang serious acting dahil mula nang mapasama sa Bahay Mo Ba To puro, light role na ang kanyang ginagampanan. Light comedy-romance rin ang tema ng episode nila ni Francine Prieto sa Love to Love at sa Multong Bakla episode ng Happily Ever After sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.
Hanggat napapatawa niya ang tao sa pagpo-portray ng gay role, walang balak tumigil si Keempee sa pagtanggap ng ganitong project. In fact, after Happily Ever After, sunod niyang gagawin ang Oring, Orang, Oroses na isang gay movie na ididirek naman ni Joel Lamangan.
Ikinatuwa rin ni Keempee ang ibinalita ng production staff ng Love to Love na dahil sa magandang rating, extended sila for another four weeks. Dapat, 14 weeks lang tatakbo ang Sunday series kung saan, ka-back-to-back nila sina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo pero, dahil sa mataas na rating, mapapahaba ang airing ng show.
Bukod sa pag-arte, babalikan na rin ni Keempee ang kanyang singing career. Ibinalita nitong ipo-produced siya ng album ni Ogie Alcasid at iri-release ng GMA Records. Kasama sa usapan nila ni Ogie ang pagko-compose nito ng mga kanta para sa kanyang album.
May kausap kami habang nagkukwento si Jun kaya, hindi namin masyadong naintindihan ang ikinukwento. Hindi rin namin ito natanong kung bakit hindi binabati ni Ryza ang mother ni CJ at kung para saan ang recording.
Mas magiging maganda na siguro ang working relationship nina Ryza at CJ ngayong nag-uusap na uli sina Ryza at mother ni CJ. Yun siguro ang dahilan kung bakit tuwing makikita namin ang magka-loveteam, hindi sila close at walang pakialamanan.
Napansin namin ito sa presscon ng Now and Forever at SOP Gigsters at sa ilang okasyon na nakikita namin ang mag-soulmates. Ang isyu sa mother ni CJ din ang naisip naming rason sa tsikang umiyak si Ryza nang mabalitaang hindi na si Mike Tan kundi si CJ na ang makakapareha niya sa Darna.
Pero, idinenay ito ni Ryza nang aming usisain. Wala raw dahilan para siyay umiyak at tanggap niyang desisyon ng GMA 7 ang pagbabago ng casting. Sabi pa nito, hindi siya madaling umiyak at hindi siya umiiyak sa panonood ng drama movies kaya, imposibleng iyakan niya ang pagkawala ni Mike sa Darna at pagpalit ni CJ.
Ibinalita ni CJ na ipinalabas sa 24 Oras ang magkahiwalay na interview sa kanila ni Nadine tungkol sa pagkakaroon niya ng crush sa young star. The fact na ini-report yun ng news program ng istasyon, ibig sabihin, hindi na bawal pag-usapang type ni CJ si Nadine. Hindi na rin siguro masisita ng GMA Artist si CJ sa pagiging open sa admiration niya kay Nadine.
Nabalitaan kasi naming nasita si CJ ng GMA Artist Center nang unang lumabas ang isyung crush niya si Nadine at wallpaper ng mobile phone niya ang litrato nito. Paano nga naman sisikat ang loveteam nila ni Ryza Cenon kung ibang pangalan ang kanyang bukam-bibig?