Pinakabatang kid rapper
March 20, 2005 | 12:00am
Masayang ibinabalita ng Alpha Music ang paglabas ng debut album ni Aikee, ang pinakabatang kid rapper sa local music scene sa kasalukuyan.
Ang nasabing album ay may pamagat na "Ang Bawat Bata" na naglalaman ng 18 tracks na may predictable beats which is expected dahil ang mga awitin ay mostly mga rap songs. Ang carrier single ng nasabing album ay ang classic song "Ang Bawat Bata" na nagtatalaga ng positive message na dapat ang bawat bata ay may karapatang respetuhin at sila ang kinabukasan ng ating bayan. Ang mga tagapakinig ay siguradong maaaliw sa paggamit ng nursery rhymes sa background.
Ang pagkakaiba ng album ni Aikee sa mga novelty songs na patuloy na umaarangkada sa ere ay ang mga awitin ni Aikee na may taglay na positive message. Tulad ng respeto sa mga nakakatanda, pagsunod sa mga utos ng magulang, pagkakaroon ng magandang relasyon sa tao at ang everyday childhood experiences.
Si Aikee ay ang pinakabatang rapper sa local music scene. Siya ay nadiskubre ni D-Coy ng Madd Poet noong 2001 ng siya ay sumali at manalo sa isang rap contest sa Pateros. Dito niya pinamalas ang kanyang angking talino at galing sa pagra-rap na naging daan para makilala siya. Siya rin ay regular mainstay sa programang Idol Ko Si Kap kasama ang iba pang mga rappers tulad ni D-Coy at Simon ng BB Clan.
Ang iba pang tracks na matatagpuan sa debut album ni Aikee na mula sa Alpha Music ay "Ganito Kasimple", "Laro Tayo", "10 Bilin Ni Tatay", "Super B", "Message from D Senator", "Kahit Bata Pa Ako, "Blazin (Madd World Radio)", "Di Ba", "Superboy", "Pa Pam Pam", "Adnise ni Atty. Leo", Badoby", "Not Allowed in the Club", " Sino Sasali?", "Skit Ko!", "Pakinggan Mo" at "Salamat". Dearly S. Ganaden

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am