Marami sa mga unang naimbita ko ang nagpahatid ng pasabi na stranded sila ng bagyo sa probinsya. Tulad ni Marissa Sanchez na palagi namang present sa mga okasyon ng PSN. Binagyo rin si Jennylyn Mercado. Ang first timer sa aming pagdiriwang na Barako Boys ay naipit daw sa kanilang pictorial at hindi na raw makakahabol.Si Aiai delas Alas ay dinala sa ospital nung mismong araw ng party namin.Si Angel Locsin na hindi na nakaalis sa live final telecast ng Mulawin. Pero, si Ara Mina na matiyagang hinintay ng mga taga-PSN ay nakarating at bagaman hindi na ito nakapag-perform ay napasaya ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapakuha ng mga larawan na kasama sila at pagpirma ng autograph. Late dumating din si Pia Guanio, na ang editor ng PM at assoc. editor ng PSN na si Salve Asis ang nag-imbita dahil sa 24 Oras ay nagawa pang makapag-introduce ng tatlong huling performer sa aming programa.
Naging masaya naman ang aming programa. Salamat sa kagandahang loob ng mga dumalo. Tulad ni Luke Mejares. Hindi lamang ito kumanta, nakipagsayaw pa kay Juliana Palermo. Si Juliana, na kasama ang kanyang manager na si Jojo Gabinete ay pumayag ding mag-host muna ng programa habang wala pa si Pia Guanio. Nung wala pa siya kami muna ni Emy Abuan Bautista ang nag-host ng party,
Sikat talaga ang Sex Bomb na pinangunahan ni Jopay Paguia. Pinagkaguluhan sila at kahit may nagpi-perform sa stage ay di mapigil ang ilan naming mga kasamahan sa trabaho ang makipag-kodakan sa kanila, Salamat nga pala kay Vir Gonzales, isang kasamahan sa panulat na siyang nagtiyagang mag-follow up ng aming imbitasyon sa kanila. Otherwise, baka hindi rin sila dumating.
Napuna ko lamang na mas madali palang mag-imbita ng artista sa tulong ng mga kasamahang manunulat. May isang manager kasi ng artista na nagsabing hindi niya mapapapunta ang alaga niyang artista dahil may nauna itong natanguan pero, nagawang dalhin ito sa aming okasyon ng isang reporter.
Salamat kay Nap Gutierrez na dumating kasama ang bago niyang alagang si Jorel Tan. Kasama ni Jorel ang Universal Records Dancers na nag-back up kay Jorel at gumawa rin ng sarili nilang number.
Si Ellen Fernando, reporter ng PSN, nagdala sa D Pards 2, isang grupo ng machong boy band na binubuo nina Mon Lacsamana, Eiven Gatdula, Miguel Ramirez at Cymon Esguerra at sina Dyan J at Ryan Dublin Kontribusyon naman ng ABS CBN Star Magic at Star Records sina Erich Gonzales at Maoui David. Si Ella V, ang nag-iisang Viva Hot Babe na nakadalo. Ang mga kasamahan niya ay nasa malayong probinsya at may show.
Dumating din si Sheree courtesy of Alex Datu pero, di ito kumanta, bumati lang.Next time daw babawi na lang siya.
Di ko expected na parang isang mini show ang ginawa ni Nyoy Volante. Napaka-professional niya. bago ang show ay inalam pa nito kung mayrong kapasidad ang aming pagtatanghalan na mag-accommodate ng mga electrical instrument. Bago pa siya dumating ay naron na ang kanyang kasamahan na nagsi -set up ng kanyang mga instrumento.