^

PSN Showbiz

Rochelle, tinapatan si Oropesa

-
Kinikilabutan daw si Rochelle Pangilinan noong tapatan niya ng acting ang premyadong actress na si Beth Oropesa sa season seven ng Daisy Siete. Alam kasi ni Rochelle kung gaano kahusay umarte ng Bikolanang aktres. Ang problema, maiipit naman ang ipinagmamalaking star ng SexBomb, kapag hindi niya ito sinagot-sagot sa eksena nila.

"Iniwanan ako noong bata pa sa probinsiya. Sumama siya sa lalaki at iniwan lang ako sa isang kaibigan," sabi ni Rochelle sa kanyang role. Naghahari siyempre ang poot sa dibdib ni Rochelle sa ginawang yon ni Beth.

Ibinibigay sa kanya ni Direk Pat Perez ang maseselang papel sa istorya nilang ito pero hindi rin naman nagpapahuli sina Jopay Paguia, Izzy, Weng at Sugar.

Target ng kanilang manager na si Joy Cancio, sakaling hindi na sila sumasayaw, may ibang field silang mapupuntahan at yun nga ang pag-arte. Pakiramdam nila, darating din ang panahong hindi na sila sikat bilang mga dancer.

Kasali pa rin si Dion Ignacio sa season seven ng Daisy Siete na nagustuhan ni Joy Cancio ang pagganap. (Ulat Ni Vir Gonzales)

ALAM

BETH OROPESA

BIKOLANANG

DAISY SIETE

DION IGNACIO

DIREK PAT PEREZ

JOPAY PAGUIA

JOY CANCIO

ROCHELLE PANGILINAN

ULAT NI VIR GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with