Gagampanan ni Lorna ang papel na Adran na magpapasa ng bato sa taong karapat-dapat at si Angel nga bilang Narda.
Naging Darna na pala si Ms. LT nung 13 anyos siya sa RPN 9. Tumagal lang ang programa ng tatlong buwan. Ayon din kay Lorna nung panahon niya nagsimula ang Darna sa TV.
Pero noon, di pa uso ang harness. This time, naka-harness ako. First time ko, say ni Lorna sa amin.
Nag-pictorial na sila ni Angel na parehong naka-Darna costume. At dahil sa rami ng effects ng Darna ay naurong na naman ang airing nito sometime in April pa.
Sali sa repertoire ni Jennifer ay mga awiting laman ng debut album niya under Viva Records tulad ng Lets Wait A While, "Ayoko Nang Umibig Pa", "Loves Grown Deep at iba pang sikat na RNB songs ngayon.
Napansin lang daw ng staff ng Regal Entertainment na tila naiilang sina Tyron at Nadine sa isat isa, parang nagkakapaan daw kapag sweety-sweety na ang pictorial, kayat pinagsabihan daw sila.
Parati raw may tumatawag kay Tyron sa cellphone na nakakaistorbo sa pictorial kaya raw siguro naiilang si Nadine.
Inamin naman ni Nadine na may girlfriend ngayon si Tyron at wala siya, kaya marahil naiilang ang dalagita.
Kung sinuman ang parating tumatawag kay Tyron, sanay tigilan na niya dahil lumalabas na super insecure kay Nadine. Siguro alam niyang may pagtingin pa rin si Tyron kay Nadine.
Ikaw ba yan Charee Pineda?
Yung K to Z ay galing daw kay Kuya Germs Moreno na isa sa producer at yung Then, Now ay galing naman kay Dolphy.
Dahil first time na magsasama ang mag-ina sa isang concert ay maraming taong kinuha para lalong mapaganda ang show at mga kilalang musicians, writers at direktor ang nasa likod ng mag-ina.
Samantala, inamin ni Karylle sa interbyu na inspired siya ngayon, hindi nga lang niya binanggit kung sino ang inspirasyon niya, bagamat loveless siya, pero hindi ibig sabihin ay wala siyang minamahal. (Ulat Ni Reggee Bonoan)