Yang gawaing mali, gawa ng demonyo yan hindi ng tao!
March 18, 2005 | 12:00am
Nagsimula kaming magsulat para sa isang diyaryo na araw-araw ay nababasa namin sa statement of principles na "there is no interest higher than that of public service". Matagal din kaming nagtrabaho sa isang istasyon ng radyo kung saan ganoon din ang prinsipyo, tanging paglilingkod na pambayan ang dapat pahalagahan. Yan ang itinatanim sa isipan ng mga peryodista noong araw.
Ang isa pang pangunahing tungkulin ng press, sabi nga ng mentor namin at manunulat na si Estrella Alfon, ay bilang guardians of morality. Dapat mapanatili ng press ang kanilang integrity. Kung wala nang integrity ang press, wala na silang karapatan na pumuna sa mga hindi tamang pangyayari sa paligid.
Nabanggit namin yan dahil sa lumabas na issue diyan sa Philippine Movie Press Club. Mula mismo sa loob nagmula ang bintang na may bumili ng boto ng ilan sa kanilang mga myembro sa halagang limang libong piso.
In fairness, may mga myembro ang club na may konsensiya at hindi naman ipinagbili sa dyablo ang kanilang kaluluwa, at kumilos sila para pigilin ang gawa ng diyablo. Sinasabi naming gawa ng dyablo dahil ang paniwala namin kahit na anong mali, gawa ng demonyo yan, hindi gawa ng tao. Yong tao, naging kasangkapan lang ng demonyong gumawa niyan.
In short, nangibabaw ang konsensiya. Pero may ibang akusasyon, baka naman daw nagkaroon lamang ng switching sa mga nanalo, lalo na nga sa kategoryang best actor. Isang source namin ang nakakita sa tally sheet. Sa 25 voting members, nakakuha ng 16 votes si Dennis Trillo, 8 si Piolo Pascual at 1 si Yul Servo.
Ang idineklarang nanalo ay si Dennis Trillo, at palagay namin hindi mo matatawag na scam yon dahil siya talaga ang nanalo. Isa pa, hindi si Dennis Trillo o ang kampo niya ang nagamit ng diyablo para maglagay sa mga members ng PMPC. Unang pelikula pa lang yan ni Dennis, wala pang perang panlagay yan. Ikalawa, hindi pa naman naghahabol ng awards yan. Ikatlo, wala namang network o producer na susuporta riyan para makapaglagay ng limang libo.
Isa lang ang masasabi namin sa nangyaring yan, hindi nakalusot ang sinasabing naglagay. Pero hindi masasabing walang nakalusot sa lahat ng naglagay.
Naniniwala kami na may nakalusot pa rin sa lagayan.Tama ang ginawa ng presidente nila na si Joe Barrameda. Ipinakita niyang sa ilalim ng kanyang pamamahala, gusto niyang mailagay sa ayos ang Philippine Movie Press Club, pero hindi niya maikakaila na may mga myembro siyang walang moralidad, dahil naipagbili na nila ang moralidad nilang natitira pa.
Ang dapat magkaroon ng imbestigasyon, yong mga alam nilang talagang nuno ng corruption, dapat yan alisin na nila dahil habang nariyan ang mga yan, hindi titino yang Philippine Movie Press Club. Nilayasan na sila ng mayorya ng mga beterano at matitino nilang myembro, na siya namang bumuo ng Entertainment Press Society. Hindi na raw kasi nila masikmura ang kabulastugan. Nasimulan na ni Joe Barrameda, ituloy na niya ang paglilinis niya ng PMPC. Sibakin na niya ang mga myembrong nagpapagamit sa dyablo bago sila magbigay ng kasunod na award. Kung hindi nila gagawin yan, magbebenta na naman ng kaluluwa ang mga yan sa susunod na award nila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended