ABS-CBN stars sa beat ko
March 17, 2005 | 12:00am
Ang bilis talaga ng panahon. Kamakalawa ay tinawagan ako at ang lahat ng kolumnista ng Pilipino Star Ngayon para ipaalam na anniversary ng ating pahayagan ang paboritong pahayagan ngayon ng sambayanang Pilipino.
Writing for Pilipino Star Ngayon has always been a rewarding experience. Dahil alam mo na may nagbabasa. Sa katunayan, everytime na lalabas ang column ko, tiyak na may matatanggap akong reaksyon. Depende sa sinulat ko. Kapag may talim, expected na negative reactions ang makukuha ko. At kapag maganda, positibo rin. Ika nga, good begets good.
Share ko lang. Mula nang nagsulat ako sa Pilipino Star Ngayon, lumawak ang audience ko bilang isang manunulat. Bukod kasi sa nationwide ang coverage ng PSN, nariyan din ang on-line version nito. Sa katunayan, ang online version ng PSN ang pinakamalakas sa internet ngayon.
Doon ko napatunayan kung gaano kalakas ang pahayagang ito hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo kung saan may Pilipino.
Nagpapasalamat ako sa mga regular and loyal readers ng PSN sa mga reaksyon nila sa nasusulat ko. Ang hiling ko lang ay iwasan ang mga salitang masasakit. Tigilan na rin sana ang pagpapadala ng hate mails na obviously ay galing sa isa o iilang indibidwal.
Ang patuloy na pananagumpay ng PSN ay dahil sa inyo, mga giliw naming mambabasa.
Gusto ko ring kunin ang pagkakataong ito para bigyang linaw ang ilang persepsyon. May mga natatanggap akong emails, reacting kung bakit puro ABS-CBN news daw ang sinusulat ko. May iba na galit pero mas marami ang natutuwa.
Ang totoo niyan, November of 2001, kinausap ako ng butihin kong editor na si Ate Vero (Samio). She asked me if I could write a column for her section. At para sa kaalaman ng marami, simula nang magsulat ako for PSN, aware ang editor ko na nagtatrabaho sa ABS-CBN bilang Promotions & Publicity manager. Ngayon, nasa drama department ako ng ABS-CBN at Star Cinema.
Kumbaga sa beat reporter, ABS-CBN stars ang beat ko. Dahil na rin sa access ko sa network at sa mga artista nito. May mga pagkakataon na nakapagsulat ako sa ibang artista at sila yung mga kaibigan ko, regardless of their network affiliation. Mapa-Kapamilya man o Kapuso.
Pero aaminin ko, talagang malapit sa puso ko ang mga ABS-CBN stars, for reasons nga na sinabi ko.
Nakakapag-react din ako kapag may mga maling nasusulat about ABS-CBN stars and programs. Itinatama ko lang ang mali.
Sa pagkakataong ito, gusto kong muling bigyang espasyo ang mga tao na itinuturing kong may malaking ambag sa kung ano ako ngayon bilang isang manunulat.
Una riyan ang dati kong employer, ang Department of Agrarian Reform kung saan una akong nagtrabaho. Sa Public Affairs staff ako noon. Time nina then Secretary Miriam Defensor Santiago hanggang kay Butch Abad.
Sa unang nagbigay sa akin ng pagkakakataong magsulat sa diyaryo, ang nasirang Leo Pita. Kasunod na sina Monching Jaramillo, Lucille Jarina, Ces Evangelista, Joven Tan, Tito Nards, Susan Paguio, Andy Beltran at Glenn Marcelo.
Sa mga naunang writers sa akin na bagamat baguhan ako noon ay hindi nagkait ng suporta sina Ronald Constantino, Nora Calderon, Aster Amoyo, Billy Balbastro, Alfie Lorenzo, Ogie Diaz, Chit Ramos, Letty Celi, the late Oskee Salazar at marami pang iba.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended