Nineteen years ago na yun, isang masarap na trabaho na tinimplahan ng maraming kudeta at mga rally dahil katatapos lamang ng Edsa Revolution, yung pinaka-una. Minsan nga, hindi kami pinauwi dahil may nagbantang gigiyerahin ang opisina. Kinabukasan na kami nakalabas ng opisina.
Dumami na ang tao sa opisina na kung natatandaan ko pa ay parang aapat na babae lamang kami sa opisina sa bunton ng mga lalaking empleyado. Pero masaya na kami nun, may araw na sama-sama kaming nagdarasal bago mananghali. Ilang Pasko na ba akong nag-uwi ng mga mahahalagang papremyo sa raffle? Di ko na mabilang.
Masaya pa rin naman ngayon ang atmosphere sa opisina. Umasenso na kami, nasa ika-tatlong palapag na kami, dati ay nasa unang palapag lamang, sa tabi ng orihinal na pintuan sa Railroad St. Nagkaron pa ng pagkakataon na nagkaron kami ng sarili naming kuwarto ni Mang Oscar. Nakasama namin dun ang isa sa naging editor ng PSN na si Edna Constancia at ang kolumnista namin ngayong si Emy Abuan na ngayon ay Bautista na.
Napaka-sarap alalahanin ang nakaraan pero mas challenging harapin ang bukas, lalot may krisis sa ekonomiya at mas dumarami ang mga corrupt sa gobyerno at maging sa pribadong sektor. Nasa ikalawang pwesto na tayo sa pinaka-corrupt na bansa sa buong mundo. Sa kabila nito, maganda ang bukas na tinatanaw natin sa mahusay na pamamalakad ng PSN at mga sister companies nito ng mga anak ni Mam Betty, lalo na ni Boss Miguel. Mayron talagang dahilan para magdiwang. Kaya mabuhay kaming lahat!
Kaya hanga ako sa mga people behind the Mabuhay Beauties, ang namumuno ditong si Boyet Blas, ang webmaster na si Arnold Orosa at ang mga myembrong sina Director Jeffrey Jeturian, Ces Evangelista, Jonas Gaffud, Joseph Vitug at Nad Bronce dahil marunong silang mag-spot ng posibleng maging beauty queens.
Ilan nang mga na-scout nila ang naging beauty title holder. Tulad nina Zorah Andam, Nina Ricci Alagao, Michelle Reyes, Mafae Yunon at Jhzaine Javier.
Sa gaganaping Bb. Pilipinas Beauty Pageant sa Sabado, anim ang Mabuhay Beauties pero, nag-back out ang dalawa. Ang natira ay sina Gionna Cabrera, 510; Mariflor Perez, 58"; Joanne Padilla, 59" at Rica Taylor, 57".