Pops to host Extra Challenge!
March 16, 2005 | 12:00am
Hindi nagtagumpay ang programang Kamao nina Robin Padilla, Manny Pacquiao at Vina Morales na pataubin ang Extra Challenge last Monday dahil ang Kamao ang nakatikim ng knock out sa Extra Challenge sa overnight rating na 35.8% over 25.2%.
Naaliw kasi ako sa press ng taga-ABS-CBN na ang programa ay may magandang concept tungkol sa buhay boksingero, bukod pa sa mainit si Pacquiao ngayon.
Well, nag-umpisa na ang laban at unfortunately, tulog ang Kamao.
Samantala, si Pops Fernandez ang guest co-host ng Extra-Challenge sa next episode dahil birthday ni Paolo at pawang commercial model ang challengers nila tulad nina Nikki Gil, sa Coke commercial; Olivia Daytia, Max"s Fried Chicken; Cathy Bordalba ng Text Tube at Jana De Leon na naka-date ni Paolo sa S-Files.
Na-postponed ang arraignment ng kaso ni Cristina Castillo sa dating boyfriend na si Phillip Salvador sa Metropolitan Trial Court, Makati City last Monday mula sa sala ni Judge Perpetua Manio dahil may hinihintay pa raw na papeles si Ipe.
Ni-reset ang hearing sa May 23 ngayong taon na hindi nagustuhan nang naghablang si Cristina dahil dinisisyunan daw ito ni Judge Hanio nang hindi man lang siya tinanong.
"Nagkaroon sila ng closed door meeting ni Phillip. Hindi ako pinapasok kahit panay ang katok ko. Ala una y media ako naroon, natapos silang mag-usap ng alas-dos diyes tapos bigla na lang sinabing postponed ang hearing?" kwento ni Tina sa mga reporter na nagtanong sa kanya.
Dapat kasi, bago nagkaroon ng postponement ay nakaharap pareho ang complainant at defendant at tinatanong ang complainant kung papayag ba itong ma-reset ang hearing at saka sila papipirmahin sa isang papeles na nagkasundo silang i-reset.
Katwiran daw ni Ipe ay may isinumite siyang petition for review sa Department of Justice o DOJ hinggil sa kasong isinampa sa kanya ng dating girlfriend at hinihintay pa ang resulta.
Ayon naman kay Ms. Tina na may ruling ang korte na kapag lumampas sa 60 days ang petition at hindi pa ito nasasagot ay lapsed na ito dahil last November 2004 pa ito at March na ngayon, sobra na sa two months period.
Ngayong, araw ng Miyerkules ang emergency meeting ng Philippine Movie Press Club o PMPC para pag-usapan ang mga gulong nangyari sa nakaraang 21st Star Awards for Movies na nagkaroon daw ng bayaran at switching of ballots.
Nakakahinayang lang dahil hindi pa kami nagsusulat nung itatag ang naturang award giving body at maganda pa naman ang imahe nito. Nag iba lang nung hinawakan na ito ng ilang kasamahan sa panulat at ginawang hanapbuhay ang club.
Kung hindi kami nagkakamali ay ito rin ang naging dahilan kaya nagkaroon ng breakaway group at itinatag ang Entertainment Press Society o Enpress.
Hay, bakit kaya dumarami ang mga kapatid sa hanapbuhay na walang prinsipyo? Pera, Pera at Pera ang laging dahilan. Mahiya naman kayo! Kawawa yong mga nadadamay sa inyong matitinong myembro! Reggee Bonoan
Naaliw kasi ako sa press ng taga-ABS-CBN na ang programa ay may magandang concept tungkol sa buhay boksingero, bukod pa sa mainit si Pacquiao ngayon.
Well, nag-umpisa na ang laban at unfortunately, tulog ang Kamao.
Samantala, si Pops Fernandez ang guest co-host ng Extra-Challenge sa next episode dahil birthday ni Paolo at pawang commercial model ang challengers nila tulad nina Nikki Gil, sa Coke commercial; Olivia Daytia, Max"s Fried Chicken; Cathy Bordalba ng Text Tube at Jana De Leon na naka-date ni Paolo sa S-Files.
Ni-reset ang hearing sa May 23 ngayong taon na hindi nagustuhan nang naghablang si Cristina dahil dinisisyunan daw ito ni Judge Hanio nang hindi man lang siya tinanong.
"Nagkaroon sila ng closed door meeting ni Phillip. Hindi ako pinapasok kahit panay ang katok ko. Ala una y media ako naroon, natapos silang mag-usap ng alas-dos diyes tapos bigla na lang sinabing postponed ang hearing?" kwento ni Tina sa mga reporter na nagtanong sa kanya.
Dapat kasi, bago nagkaroon ng postponement ay nakaharap pareho ang complainant at defendant at tinatanong ang complainant kung papayag ba itong ma-reset ang hearing at saka sila papipirmahin sa isang papeles na nagkasundo silang i-reset.
Katwiran daw ni Ipe ay may isinumite siyang petition for review sa Department of Justice o DOJ hinggil sa kasong isinampa sa kanya ng dating girlfriend at hinihintay pa ang resulta.
Ayon naman kay Ms. Tina na may ruling ang korte na kapag lumampas sa 60 days ang petition at hindi pa ito nasasagot ay lapsed na ito dahil last November 2004 pa ito at March na ngayon, sobra na sa two months period.
Nakakahinayang lang dahil hindi pa kami nagsusulat nung itatag ang naturang award giving body at maganda pa naman ang imahe nito. Nag iba lang nung hinawakan na ito ng ilang kasamahan sa panulat at ginawang hanapbuhay ang club.
Kung hindi kami nagkakamali ay ito rin ang naging dahilan kaya nagkaroon ng breakaway group at itinatag ang Entertainment Press Society o Enpress.
Hay, bakit kaya dumarami ang mga kapatid sa hanapbuhay na walang prinsipyo? Pera, Pera at Pera ang laging dahilan. Mahiya naman kayo! Kawawa yong mga nadadamay sa inyong matitinong myembro! Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended