Paolo goes bold!
March 16, 2005 | 12:00am
May gaganaping fashion show ang Carter, isang brand ng mens undergarment, sa Mayo 21 sa Araneta Coliseum. Pinamagatang The "C" Show, tatampukan ito ng mga kilalang professional models, surprise guests at mga kilalang personalidad na bukod sa magmomodelo ng mga Carter products ay lalahok pa rin sa mga production number na tinatayang magbibigay ng malaking excitement sa programa.
Pangungunahan ang mahabang listahan ng celebrity talents ng pinaka-bagong endorser ng Carter na si Paolo Bediones na ngayon pa lamang ay pinananabikan nang makita in his briefest of underwear. Hindi itinatwa ni Paolo nang tanungin siya kung rarampa nga siya ng nakasuot lamang ng brief.
Ang The "C" Show ay konsepto at siya ring nag-choreograph at nag-direct ng show na si Gerald "Yeng" Grande, video at stage director ng Alta Productions Group, Ins, isang subsidiary ng GMA Network Inc.
Nung mag-attend ako ng launching ni Paolo na ipinatawag ng Carter at ginanap sa Annabels, nakita ko na may screening na ginaganap para sa mga lalaki at babae na makakasama sa palabas at ganundin sa iba pang marketing campaign ng Carter.
Bagaman at disappointed ako (at marami pang local viewers) dahil walang Pinoy na nakapasok sa kasalukuyang ginaganap na American Idol, nagsisimula na akong panoorin ito ng regular dahil nakapili na ng final 12 na binubuo nina Anwar Robinson, Constantine Maroulis, Bo Bice, Mario Vasquez, Anthony Fedorov, Carrie Underwood, Vonzell Solomon, Nadia Turner, Lindsey Cardinale, Mikaelah Gordon, Jessica Sierra at Scott Savol.
Dalawa ang rockers sa grupo, sina Constantine at Bo, paano kaya ang gagawin nila kapag ang ipinakanta sa lahat ay ballad o R&B?
Panoorin ang American Idol tuwing Miyerkules at Huwebes, 10NG, ABC5.
May isa pang pakontes na pwedeng pasukan ng may edad 17 hanggang 23, may taas na 54" pataas para sa mga babae at 16 to 24 years old at 58" in height para naman sa lalaki.
Ito ang Mr. & Ms Bodylooks 2005 na itinataguyod ng Star Image Prod. Sa mga interesado, tumawag sa 0928-6076732.
Pangungunahan ang mahabang listahan ng celebrity talents ng pinaka-bagong endorser ng Carter na si Paolo Bediones na ngayon pa lamang ay pinananabikan nang makita in his briefest of underwear. Hindi itinatwa ni Paolo nang tanungin siya kung rarampa nga siya ng nakasuot lamang ng brief.
Ang The "C" Show ay konsepto at siya ring nag-choreograph at nag-direct ng show na si Gerald "Yeng" Grande, video at stage director ng Alta Productions Group, Ins, isang subsidiary ng GMA Network Inc.
Nung mag-attend ako ng launching ni Paolo na ipinatawag ng Carter at ginanap sa Annabels, nakita ko na may screening na ginaganap para sa mga lalaki at babae na makakasama sa palabas at ganundin sa iba pang marketing campaign ng Carter.
Dalawa ang rockers sa grupo, sina Constantine at Bo, paano kaya ang gagawin nila kapag ang ipinakanta sa lahat ay ballad o R&B?
Panoorin ang American Idol tuwing Miyerkules at Huwebes, 10NG, ABC5.
Ito ang Mr. & Ms Bodylooks 2005 na itinataguyod ng Star Image Prod. Sa mga interesado, tumawag sa 0928-6076732.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended