Ang maganda sa balitang itoy gagawa ng pelikula si Vic kahit hindi pang-Metro Manila Film Festival. Noon pa namin sinasabing dapat nagsisipag siyang gumawa ng pelikula dahil talagang tinatangkilik ang mga pelikula niya.
Hindi rin daw sila nag-break ni Krizzy dahil sa selos. Sinunod lang daw nila ang gusto ng kani-kanilang magulang na sa career muna sila mag-concentrate at saka na ang pag-ibig.
Birthday ni Kirby sa March 17, at magandang birthday gift sa kanya ang pagkakasama sa Darna. Kahit semi-regular lang ang participation niya bilang karibal ni Ding (CJ Muere) kay Ryza Cenon, masaya na rin siya. Sampu nga naman silang Avengers at isa siya sa nabigyan ng regular TV show.
Natawa pala kami sa kuwento ng manager ni Kirby. Sa kagustuhan nitong pumayat dahil kinakantyawang matabay napipilitang mag-diet. Kaso lang, nagugutom ito sa konting kinakain kaya, pag kumain, napaparami ang food intake. Wala ring nangyayari sa pagda-diet nito.
Hit na hit si Keempee ngayon sa bading role at isa sa mga rason kung bakit pinapanood at mataas ang rating ng Bahay Mo Ba To dahil sa mahusay niyang pagganap sa role ni Harold.
Mahusay na actor din si Romnick at nasubukan na rin niyang gumanap na bading sa pelikula ni Gil Portes na unfortunately, hindi namin matandaan ang title.
Magaling ding gumanap na bading si Eric at patunay ang acting award na napanalunan nito. Ang problemay ayaw na raw muna nitong mag-portray ng bading role dahil dalawang magkasunod na gay role ang kanyang ginawa.
Sa isang interview sa male newcomer, tinanong ito ng kausap na reporter ng kanyang home address. Sinabi naman nito kung saan siya nakatira pero, nang makitang isinusulat ng reporter ang kanyang address, nag-dialogue na wag nang isama sa write up ang kanyang address dahil baka magpuntahan ang kanyang fans sa tinitirahang bahay. O, di ba, feeling talaga?
Nawalan kami ng gana sa feeling sikat na male newcomer and I think the feeling is mutual. Naramdaman yata nitong hindi namin siya type kaya pag nagkikita kami sa presscon, hanggang "Hi" lang ang bati nito sa amin, samantalang ang mga kasamay bumebeso at nakikipag-kuwentuhan.
Ngayong Lunes na ang pilot telecast ng Kamao at nagustuhan namin ang napanood naming preview. Susubaybayan ang mangyayari sa 11 amateur boxers na maglalaban-laban sa cash prize na P500,000 at tutulungang i-build up na professional boxers.
Ang tinutukoy namin ay sina Joel "Joedaking" Garcia, Jaypee "Capila" Ignacio, Gary "Popoy" Lastrilla, Joel "Joel the Great" Rafols, Dandy "Singin" Areola, Frankie "Flash" Escaner, Dennis "Pacquiao" Tugbo, Jeanyce "Baga" Baga, Regie "Baby Ama" Amarante, Luisito "Striker" Sangalang at John Ray "Jonjon" Emilia.
Sina Robin Padilla, Manny Pacquiao at Vina Morales ang hosts ng Kamao na pare-parehong wala sa press preview.