Vic, magpo-produce kahit di festival
March 14, 2005 | 12:00am
Narinig naming ibinabalita ni Roselle Monteverde-Teo na gagawa ng pelikula sa Regal Entertainment si Vic Sotto. Co-produced daw ng Tape, Inc. ang comedy movie na wala pang title. Hindi pa masabi ni Roselle kung sino ang magdidirek at ang makakapareha ni Vic dahil nasa proseso pa sila ng pamimili. Saka, mag-uusap pa ang grupo ng Tape at Regal to finalize the project.
Ang maganda sa balitang itoy gagawa ng pelikula si Vic kahit hindi pang-Metro Manila Film Festival. Noon pa namin sinasabing dapat nagsisipag siyang gumawa ng pelikula dahil talagang tinatangkilik ang mga pelikula niya.
Tigas na deny ni Kirby de Jesus na ang Pinoy Pop Superstar finalist na si Charmaine Piamonte ang isa sa pinagselosan ni Krizzy Jareño kaya sila nag-break. Kinuha lang daw niya ang number nito sa staff ng singing search para makipagkaibigan dahil may boyfriend na ito.
Hindi rin daw sila nag-break ni Krizzy dahil sa selos. Sinunod lang daw nila ang gusto ng kani-kanilang magulang na sa career muna sila mag-concentrate at saka na ang pag-ibig.
Birthday ni Kirby sa March 17, at magandang birthday gift sa kanya ang pagkakasama sa Darna. Kahit semi-regular lang ang participation niya bilang karibal ni Ding (CJ Muere) kay Ryza Cenon, masaya na rin siya. Sampu nga naman silang Avengers at isa siya sa nabigyan ng regular TV show.
Natawa pala kami sa kuwento ng manager ni Kirby. Sa kagustuhan nitong pumayat dahil kinakantyawang matabay napipilitang mag-diet. Kaso lang, nagugutom ito sa konting kinakain kaya, pag kumain, napaparami ang food intake. Wala ring nangyayari sa pagda-diet nito.
Isa sa mga pelikulang gagawin ni director Joel Lamangan sa Regal Entertainment ang Uring, Urang, Uroses. Comedy itot tungkol sa tatlong bading. Kung pakikinggan ni Manny Valera, line-producer ng project ang suggestion ng press, sina Keempee de Leon, Romnick Sarmenta at Eric Quizon ang babagay sa role ng tatlong bading pero, si Direk Joel at si Mother Lily ang masusunod.
Hit na hit si Keempee ngayon sa bading role at isa sa mga rason kung bakit pinapanood at mataas ang rating ng Bahay Mo Ba To dahil sa mahusay niyang pagganap sa role ni Harold.
Mahusay na actor din si Romnick at nasubukan na rin niyang gumanap na bading sa pelikula ni Gil Portes na unfortunately, hindi namin matandaan ang title.
Magaling ding gumanap na bading si Eric at patunay ang acting award na napanalunan nito. Ang problemay ayaw na raw muna nitong mag-portray ng bading role dahil dalawang magkasunod na gay role ang kanyang ginawa.
Mukhang umakyat na sa ulo ng male newcomer na ito ang tinatamong kakarampot na kasikatan. Ang feeling nitoy sikat na sikat na siya dahil pinagkaguluhan siya ng fans.
Sa isang interview sa male newcomer, tinanong ito ng kausap na reporter ng kanyang home address. Sinabi naman nito kung saan siya nakatira pero, nang makitang isinusulat ng reporter ang kanyang address, nag-dialogue na wag nang isama sa write up ang kanyang address dahil baka magpuntahan ang kanyang fans sa tinitirahang bahay. O, di ba, feeling talaga?
Nawalan kami ng gana sa feeling sikat na male newcomer and I think the feeling is mutual. Naramdaman yata nitong hindi namin siya type kaya pag nagkikita kami sa presscon, hanggang "Hi" lang ang bati nito sa amin, samantalang ang mga kasamay bumebeso at nakikipag-kuwentuhan.
May laban ang Kamao:Matira Matibay sa tatapatan nitong Extra Challenge. Magugustuhan lalo na ng male viewers ang sports reality program ng ABS-CBN dahil pinaghalong drama at action.
Ngayong Lunes na ang pilot telecast ng Kamao at nagustuhan namin ang napanood naming preview. Susubaybayan ang mangyayari sa 11 amateur boxers na maglalaban-laban sa cash prize na P500,000 at tutulungang i-build up na professional boxers.
Ang tinutukoy namin ay sina Joel "Joedaking" Garcia, Jaypee "Capila" Ignacio, Gary "Popoy" Lastrilla, Joel "Joel the Great" Rafols, Dandy "Singin" Areola, Frankie "Flash" Escaner, Dennis "Pacquiao" Tugbo, Jeanyce "Baga" Baga, Regie "Baby Ama" Amarante, Luisito "Striker" Sangalang at John Ray "Jonjon" Emilia.
Sina Robin Padilla, Manny Pacquiao at Vina Morales ang hosts ng Kamao na pare-parehong wala sa press preview.
Ang maganda sa balitang itoy gagawa ng pelikula si Vic kahit hindi pang-Metro Manila Film Festival. Noon pa namin sinasabing dapat nagsisipag siyang gumawa ng pelikula dahil talagang tinatangkilik ang mga pelikula niya.
Hindi rin daw sila nag-break ni Krizzy dahil sa selos. Sinunod lang daw nila ang gusto ng kani-kanilang magulang na sa career muna sila mag-concentrate at saka na ang pag-ibig.
Birthday ni Kirby sa March 17, at magandang birthday gift sa kanya ang pagkakasama sa Darna. Kahit semi-regular lang ang participation niya bilang karibal ni Ding (CJ Muere) kay Ryza Cenon, masaya na rin siya. Sampu nga naman silang Avengers at isa siya sa nabigyan ng regular TV show.
Natawa pala kami sa kuwento ng manager ni Kirby. Sa kagustuhan nitong pumayat dahil kinakantyawang matabay napipilitang mag-diet. Kaso lang, nagugutom ito sa konting kinakain kaya, pag kumain, napaparami ang food intake. Wala ring nangyayari sa pagda-diet nito.
Hit na hit si Keempee ngayon sa bading role at isa sa mga rason kung bakit pinapanood at mataas ang rating ng Bahay Mo Ba To dahil sa mahusay niyang pagganap sa role ni Harold.
Mahusay na actor din si Romnick at nasubukan na rin niyang gumanap na bading sa pelikula ni Gil Portes na unfortunately, hindi namin matandaan ang title.
Magaling ding gumanap na bading si Eric at patunay ang acting award na napanalunan nito. Ang problemay ayaw na raw muna nitong mag-portray ng bading role dahil dalawang magkasunod na gay role ang kanyang ginawa.
Sa isang interview sa male newcomer, tinanong ito ng kausap na reporter ng kanyang home address. Sinabi naman nito kung saan siya nakatira pero, nang makitang isinusulat ng reporter ang kanyang address, nag-dialogue na wag nang isama sa write up ang kanyang address dahil baka magpuntahan ang kanyang fans sa tinitirahang bahay. O, di ba, feeling talaga?
Nawalan kami ng gana sa feeling sikat na male newcomer and I think the feeling is mutual. Naramdaman yata nitong hindi namin siya type kaya pag nagkikita kami sa presscon, hanggang "Hi" lang ang bati nito sa amin, samantalang ang mga kasamay bumebeso at nakikipag-kuwentuhan.
Ngayong Lunes na ang pilot telecast ng Kamao at nagustuhan namin ang napanood naming preview. Susubaybayan ang mangyayari sa 11 amateur boxers na maglalaban-laban sa cash prize na P500,000 at tutulungang i-build up na professional boxers.
Ang tinutukoy namin ay sina Joel "Joedaking" Garcia, Jaypee "Capila" Ignacio, Gary "Popoy" Lastrilla, Joel "Joel the Great" Rafols, Dandy "Singin" Areola, Frankie "Flash" Escaner, Dennis "Pacquiao" Tugbo, Jeanyce "Baga" Baga, Regie "Baby Ama" Amarante, Luisito "Striker" Sangalang at John Ray "Jonjon" Emilia.
Sina Robin Padilla, Manny Pacquiao at Vina Morales ang hosts ng Kamao na pare-parehong wala sa press preview.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended