Aiza, magpapakasal na sa Vegas!
March 14, 2005 | 12:00am
May nakapagbalita sa akin na balak daw ng singer-actress na si Aiza Seguerra na pakasalan sa Las Vegas ang kanyang mestisang girlfriend. Malayo nga naman ito sa intriga at magiging tahimik ang kanilang buhay sakaling matuloy ang plano ni Aiza.
Open na naman ang relasyon ng dalawa at proud ang singer sa kanyang girlfriend.
Naka-enrol si Angelica Jones sa John Roberts Power. Kumukuha siya ng Personality Development para magbago ang ilang aspeto ng buhay personally, emotionally, socially at mentally.
Iniintriga nga ang aktres dahil akala ng marami ay nag-aaral siya dahil bopol sa Ingles. "Hindi naman po Ingles lang ang pinag-aaralan ko. Gayundin ang social graces at marami pang iba dahil lagi na lang nila akong iniintriga," aniya.
Naging matagumpay ang concert niya sa Japan at baka bumalik uli siya run for another singing commitment dahil nagustuhan siya ng Japanese promoter.
Matatapos na ang pelikula nitong Six in the City.
Nakakwentuhan namin si Yul Servo sa birthday party ni Ben de la Cruz. Anim na pala ang acting award nito at tatlo ang nakuha nito para sa Naglalayag.
Swerte talaga na naging talent ni Direk Maryo de los Reyes si Yul dahil nahasa siya sa pag-arte at naging magaling na aktor.
May gagawin itong pelikula titled Cogon pero hindi pa niya alam kung sino ang magiging leading lady niya.
Hindi ikinakaila ni Gloria Romero na 71 years old na siya. Proud siya sa pagiging senior citizen dahil malakas pa siya at mabilis kumilos sa kanyang edad.
Hanggang ngayon ay aktibo pa rin ito sa paggawa ng pelikula at nakakakuha pa rin ng acting award.
Kasama si Glo sa pelikulang Bahay ni Lola 2 na hindi sequel ng unang pelikulang tinampukan niya bilang Lola.
Sa Amerika, ang The SpongeBob Square Pants ang itinuturing na pinaka-hit na animated show sa telebisyon. Hindi lang mga bata ang madalas manood nito kundi maging adults man. Ngayon, isa na itong malaking pelikula, ang The SpongeBob Square Pants." Ditoy tampok ang mga boses na mula sa orihinal na serye at sinalihan pa nina Alec Baldwin bilang Dennis the hit man, Scarlet Johansson bilang Mindy the Mermaid, Jeffrey Tambor bilang King Neptune at sorpresang paglabas ni David Hasselhoff bilang sarili niya.
Ayon sa mga kritiko, si SpongeBob ay kinagigiliwan ng mga manonood dahil siyay isang karakter na pinagpala kahit na walang kamuwang-muwang sa mundong ginagalawan. Batat matanda ay naghahangad na maging katulad niya. Masyado na raw kasing magulo at kumplikado ang nangyayari sa kasalukuyan kung kayat ang pagiging simple at inosente ay magagandang katangian.
Mula sa Paramount Pictures, ang The SpongeBob Squarepants movie ay ipinamamahagi sa Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
Sakit na yata ng magandang aktres na ito na manghiram ng gown kapag may dinadaluhang showbiz gathering. Hindi naman mahirap para sa aktres na gawin ito dahil marami siyang kaibigang designer. Kaso, natatagalan bago ito magsauli ng gown na hiniram. Kailangan pa siyang tawagan para i-remind ang gown na hiniram. Kundi man pinupuntahan na lang siya sa bahay para kunin ang gown ng designer.
Kahit hindi na siya aktibo sa paggawa ng pelikula ay visible pa rin ito sa sosyalan ng showbiz at mayroon pa ring mga shows sa loob at labas ng Kamaynilaan dahil marunong siyang kumanta.
Open na naman ang relasyon ng dalawa at proud ang singer sa kanyang girlfriend.
Iniintriga nga ang aktres dahil akala ng marami ay nag-aaral siya dahil bopol sa Ingles. "Hindi naman po Ingles lang ang pinag-aaralan ko. Gayundin ang social graces at marami pang iba dahil lagi na lang nila akong iniintriga," aniya.
Naging matagumpay ang concert niya sa Japan at baka bumalik uli siya run for another singing commitment dahil nagustuhan siya ng Japanese promoter.
Matatapos na ang pelikula nitong Six in the City.
Swerte talaga na naging talent ni Direk Maryo de los Reyes si Yul dahil nahasa siya sa pag-arte at naging magaling na aktor.
May gagawin itong pelikula titled Cogon pero hindi pa niya alam kung sino ang magiging leading lady niya.
Hanggang ngayon ay aktibo pa rin ito sa paggawa ng pelikula at nakakakuha pa rin ng acting award.
Kasama si Glo sa pelikulang Bahay ni Lola 2 na hindi sequel ng unang pelikulang tinampukan niya bilang Lola.
Ayon sa mga kritiko, si SpongeBob ay kinagigiliwan ng mga manonood dahil siyay isang karakter na pinagpala kahit na walang kamuwang-muwang sa mundong ginagalawan. Batat matanda ay naghahangad na maging katulad niya. Masyado na raw kasing magulo at kumplikado ang nangyayari sa kasalukuyan kung kayat ang pagiging simple at inosente ay magagandang katangian.
Mula sa Paramount Pictures, ang The SpongeBob Squarepants movie ay ipinamamahagi sa Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
Kahit hindi na siya aktibo sa paggawa ng pelikula ay visible pa rin ito sa sosyalan ng showbiz at mayroon pa ring mga shows sa loob at labas ng Kamaynilaan dahil marunong siyang kumanta.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended