Sa timeslot ng SNBO (Sunday Night Box Office) sa GMA-7, magbabalik-tanaw ang Mulawin sa mga highlights ng kwento mula Week 1 nito hanggang sa katatapos lang na Week 32. Dito ay muling matutunghayan ang mga kakilig-kilig na eksena nina Aguiluz (Richard Gutierrez) at Alwina (Angel Locsin) at maging ang mga panahong mortal pa si Gabriel (Dennis Trillo) at magkasama sila ng mortal ding si Alwina. Syempre pa ay hindi mawawala ang mga kakaibang fight scenes na tinutukan ng mga manonood.
Si Lola Rosing (Alicia Alonzo) ang tagapag-salaysay sa 3-hour SNBO special na ito ng Mulawin na siguradong kaaaliwan ng lahat lalo na ng mga bata dahil gagamitan ito ng komiks effects.