Love triangle nina Ryza, JC at Michelle

Tuwang-tuwa si Angeli P. Valenciano sa malaking tagumpay ng live concert ni Gary Valenciano sa Waterfront Hotel, Lahug, Cebu. Ang palabas ay para sa benepisyo ng mga streetchildren doon at organized ng Cebu Christian Alliance Church at Alliance Biblical seminary.

Kasama sa show ang anak nilang si Gabriel at ang bagong Universal Records artist na si Roxie.

Ang show sa Waterfront Hotel ang nagsimula ng nationwide concert tour ni Gary V. Sa unang gabi ng kanyang pagtatanghal. Nanuod si Gov. Gwen Garcia. Nandoon din sina Margot Osmeña, Amparito Llhuillier at Elsie Chua. Nanood din ng show ang mother ni Gary V na si Ms. Grimi Ortiz.

Ang susunod na pagtatanghal ng grupo ay sa CYO gym ng Holy Cross of Davao College, Davao City on March 16. Ang southern leg ng Philippine tour ni Gary V ay magtatapos sa General Santos City on March 18.

Ang second leg ng tour ay magsisimula sa April 1st sa Leyte National High School gym. Tutuloy sila Gary V sa Panaad stadium ng Bacolod City on April 9.

Kung gusto pa ninyong malaman ang ibang detalye tungkol sa live concert tour ni Gary V, tumawag sa mga teleponong (053) 3253696 para sa Tacloban; at sa (034) 7099475 para sa Bacolod event.
* * *
Tila Romeo and Juliet ang istorya ng pag-ibig nina JC de Vera at Michelle Madriga.

Taga-GMA kasi si JC, samantalang ABS-CBN talent naman si Michelle. Kahit nasa magkalabang network ang dalawa, higit namang tumitibay ang kanilang love affair.

Kahit sobrang selosa ni Michalle, nakadadagdag pa ito ng challenge kay JC, kung paano higit na tumagal ang kanilang relasyon.

Tulad ngayon na maganda ang katambal ni JC, si Ryza Cenon, sa bagong afternoon drama series ng GMA na Now and Forever. Si Ryza ang bida sa first season ng serye na may subtitle na Mukha at sa direksyon ni Mac Alejandre.

"It’s possible that I will fall in love with her," amin ni JC. "Siya kasi ang tipo ng babaeng madaling makagaanan ng loob. Ang maganda pa kay Ryza, ang kanyang sense of humor. There is never dull moment with her."

Show comments