Nag-propose na ng marriage si Casimiro Ynares III kay Andeng nung January 9, 2005 sa prayer room ng Word For the World Church na agad naman nitong tinanggap. Ikatlong marriage proposal na yun ng nag-iisang anak na lalaki ng Gobernador ng Rizal sa hiyas ng mga Bautista. Sampung taon na ang relasyon nilang dalawa.
Natupad ang pangako ni Andeng sa kanyang ama na si former Senator Ramon Revilla na ang ipakikilala lamang niya ritong lalaki ay ang lalaking papakasalan niya, ito ngang si Junjun na humahawak ng posisyon ng assistant ni Secretary Mike Defensor ng DENR. Humawak din ito ng mataas na posisyon sa Laguna Lake Development. Isang Doctor of Medicine ang napipintong groom, ikalawang doktor na magiging manugang ni Senator Ramon dahil doktor din ang asawa ng isa pang anak nito na si Princess Revilla.
Wala pang definite na plano pero ang siguradong tatahi ng wedding gown at pati na ang entourage ay ang kaibigan ni Andeng na si Paul Cabral.
Isa lamang tahimik na buhay may-asawa ang pangarap ni Andeng kasama ang lalaking nagsabi na si Andeng ang pinaka-matagal niyang naging girlfriend at ang pinaka-mahal niya. Kainggit naman, di ba girls?!!!
Marami ang dumalo sa twin celebration. Tulad ng mga mayor ng Metro Manila, mga haligi ng industriya ng pelikula, mga artista. Nagkaron din ng musical number at dalawang magagaling na baguhan ang nadiskubre rito, ang 9 na taong gulang na si Tata Fuentes at ang dating taga-Thats na si John Joven na lumabas sa Miss Saigon sa Germany at nakalabas na sa mga musicals sa ibang bansa.
Ang audience was a misture of the political and showbiz sectors. Nakita ko ang mga produ ers na sina Vic at Vincent del Rosario ng Viva, Orly Ilacad, Cesar Montano, Sarah Geronimo, Ella Guevara, Christopher de Leon, Jomari Yllana, German Moreno. Atty. Esperidion Laxa, ang bagong pangulo ng Manila Hotel na si Joey LIna, sina Mayors Toby Tiangco, Florencio Bernabe at marami pang iba. Nag-host ng affair sina Leo Martinez at Boots Anson Roa.